Golden State Warriors pasok pa rin sa NBA Finals; Rockets hindi pinalusot

By Dennis Christian Hilanga May 29,2018
share this

Golden State Warriors pasok pa rin sa NBA Finals; Rockets hindi pinalusot

By Dennis Christian Hilanga May 29,2018
share this

UMABANTE sa ikaapat na sunod na NBA Finals appearance ang Golden State matapos itakas ang 101-92 panalo laban sa Houston sa Game 7 ng Eastern Conference Finals Martes ng umaga.

Nagtulong sina Stephen Curry at Kevin Durant sa second half at iniahon ang Warriors mula sa 15 puntos na paghahabol sa unang dalawang yugto para muling umareglo ng best-of-seven titular showdown kontra sa karibal na Cleveland Cavaliers.

Ito na ang ikaapat na paghaharap ng Warriors at Cavaliers mula 2015.

Umiskor si Durant ng 34 puntos, may 27 si Curry habang nagdagdag si Klay Thompson ng 19.

Bagaman nagtala si James Harden ng 32 puntos, nabigo pa rin ang Rockets na makatuntong sa Finals na huli nilang natikman noon pang 1995. Naramdaman ng koponan ang hindi paglalaro ni Chris Paul na nagpapagaling ng kanyang hamstring injury.

Gagawin ang Game 1 ng NBA Finals sa Biyernes (oras sa Pilipinas) sa bahay ng Warriors sa Oracle Arena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending