Kung may kasalanan sa inyo ang ibang tao, huwag n’yong idamay ang mga anak ko! – Sunshine Cruz | Bandera

Kung may kasalanan sa inyo ang ibang tao, huwag n’yong idamay ang mga anak ko! – Sunshine Cruz

Ervin Santiago - May 26, 2018 - 12:35 AM

CESAR MONTANO AT SUNSHINE CRUZ

Pinalagan ni Sunshine Cruz ang ilang netizens na nambu-bully sa kanyang mga anak. Ito’y may koneksyon pa rin sa iskandalong kinasasangkutan ng kanilang amang si Cesar Montano.

Nagbitiw kamakailan si Cesar bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board ng Department of Tourism habang iniimbestigahan ang diumano’y mga kuwestiyonableng proyekto sa nasabing ahensya kaugnay na rin ng “Buhay Carinderia.”

Niresbakan ni Sunshine ang mga bashers sa pamamagitan ng Facebook. Aniya, “People are now questioning the food we eat and clothes my children wear because of a person who we/they don’t get to see anymore.

“I told my kids not to be embarrassed kasi pagkain, damit ultimo sasakyan nyo ako ang bumili para sa inyo. Nagtatrabaho ako ng maayos at nagpupursige para sa mga anak ko.

“Kung may kasalanan sa inyo ang ibang tao, don’t involve other people especially my children. Mula 2013 nagawa kong magtrabaho at buhayin ang mga anak ko sa maayos na paraan at pagtatrabaho ng maayos bilang artista,” ang pahayag pa ng aktres.

Maraming namba-bash ngayon sa mga anak ni Sunshine dahil sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kanilang amang si Buboy. Kung anu-anong masasakit at malilisyosong salita ang ibinabato ngayon sa mga bagets matapos sumabog ang isyu sa “Buhay Carinderia”.

Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong 2000 at nagkaroon nga sila ng tatlong anak. Taong 2014 naman ng mag-file ng annulment case si Sunshine dahil sa diumano’y pambababae nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending