‘Sina Ellen at John Lloyd din ang dapat sisihin sa pag-atake ng mga stalkers!' | Bandera

‘Sina Ellen at John Lloyd din ang dapat sisihin sa pag-atake ng mga stalkers!’

Ronnie Carrasco III - May 26, 2018 - 12:05 AM

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

STRIVING to be consistent with her take on stalkers, dapat ay hindi rin palampasin ni Ellen Adarna kung sinuman ang nag-upload ng kanyang most recent picture showing her baby bump taken in Amanpulo.

Sa mga larawan, makikita ang malaking umbok ng kanyang tiyan which is between eight months and until she will have given birth to her child by John Lloyd Cruz.

Matatandaang ikinairita ni Ellen ang viral video na in-upload ng menor de edad na si Eleila Santos habang kumakain sa isang restaurant. Pinaratangan ni Ellen ang dalagita na ini-stalk siya, na agad nitong inalmahan.

Pati ang ina ng dalagita’y dumepensa rin sa anak. Consequently, the mother demanded a public apology from Ellen or else ay sasampahan niya ito ng kaukulang kaso.

Hindi tumalima si Ellen sa pakiusap ni Ginang Santos. Dahil sa pagwawalang-bahala ni Ellen ay tinuluyan siya ng ina ng minor. Tatlong kaso ang inihain nito sa isang korte sa Pasig City kamakailan.

Malaki ang pagkakahawig ng kasong ito sa inilabas na photos ni Ellen na hindi pa pala nakakapagsilang ng anak.

Matatandaang nabalita kamakailan na nagsilang si Ellen sa isang ospital sa Singapore. Pero obviously, based on her Amanpulo photos, she has yet to welcome the proverbial stork visit.

Which brings us du’n sa dapat lang ay magpaka-consistent si Ellen laban sa mga umano’y stalkers niya o nila ni John Lloyd.

Ito’y sa kabila ng dapat sana’y mas malawak na pananaw ni Ellen na kapwa sila public figures ni Lloydie. By the mere definition of stalking, hindi naman siguro sila sinundan ng menor de edad hanggang pumasok sa restaurant.

Same with kung sinuman ang mga ordinaryong taong nakasabay nila ni JLC na nagbakasyon sa Amanpulo.

Our unsolicited advice to both Ellen and John Lloyd: malaki ang kaibahan ng public figure at public property. Hindi sila pagmamay-ari ng publiko sa kabila ng katotohanang mga pampubliko silang pigura.

Even JLC and Ellen deserve privacy. Pero paano nila gugustuhing magpakapribado sa kanilang mga kilos at gawain kung pumupunta sila sa mga pampublikong lugar, kung saan marami ang tiyak na makakakilala sa kanila?

Patawad sa opinyong ito. Ang mga celebrity na rin ang lumilikha ng paparazzi, at least in Philippine setting.

Sa aminin man ni Ellen o hindi, hindi naman siya super katanyagan para buntutan ng paparazzo (singular form ng paparazzi).

Nagkataon lang na naiintriga o curious ang tao sa kanya, at bunga na rin ‘yon ng mga ginagawa nila ni JLC.

If Ellen’s stalkers do exist, she created them herself. Siya rin ang “nagbuntis” at “nagsilang” sa mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending