Heart naglilihi sa puting pagkain, nababahuan sa ginisa | Bandera

Heart naglilihi sa puting pagkain, nababahuan sa ginisa

Cristy Fermin |May 15,2018
facebook
share this

Heart naglilihi sa puting pagkain, nababahuan sa ginisa

Cristy Fermin - May 15, 2018 - 12:10 AM


WALA nang mahihiling pa ngayon si Heart Evangelista. Magkakaprodukto na sila ni Senador Chiz Escudero. ‘Yun ang kukumpleto sa kanyang buhay may-asawa.

Nagbibiruan nga kaming magkakaibigan, baka raw ang napaglilihian ni Heart ay ang masasarap nilang putahe sa Barrio Fiesta, lalo na ang ipinagmamalaki nilang kare-kare.

Pero mali kami. Puro pagkaing puti ang hinahanap ni Heart sa kanyang paglilihi. Basta puti ay aprubado sa kanya. Ayaw rin niyang nakakaamoy ng iginigisang pagkain.

Palaging ganu’n ang mga nagdadalantao, iwas na iwas sila sa amoy ng bawang at sibuyas, mabaho para sa kanila ang paggigisa.

Pero hindi pa man lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ni Heart ay meron nang mga taong walang magawa na inaatake ang bata at ang magiging itsura nito.

Ewan kung saan nanggagaling ang hugot ng mga taong ‘yun, pati ba naman ang binhi na walang kamalay-malay ay idinadamay na ng mga ito sa kalokohan, may kunsensiya pa ba ang mga taong ganu’n?

Ang bawat bata ay isang napakalaking biyaya.

Napakatagal na hinintay ni Heart ang pagkakataong ito para makumpleto na ang kanilang pagpapamilya ng senador, pero hindi pa man ay pinupuntirya na ng mga walang magawa, sana’y hindi na lang pansinin ng aktres ang mga ganitong kalokohan para hindi siya ma-stress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending