Sarah sa pagpapakasal: Wait lang po, kausapin n'yo po ang nanay ko! | Bandera

Sarah sa pagpapakasal: Wait lang po, kausapin n’yo po ang nanay ko!

Ervin Santiago |May 10,2018
facebook
share this

Sarah sa pagpapakasal: Wait lang po, kausapin n’yo po ang nanay ko!

Ervin Santiago - May 10, 2018 - 12:01 AM


MAY kumalat na video sa social media kahapon na kuha sa isang bahagi ng US concert tour ni Sarah Geronimo sa Kupferberg Center for the Arts kamakailan.

Isang Popster na may handle name sa Instagram na @Roy_regina_anderson ang nag-post ng nasabing video kung saan makikita ang pakikipagchikahan ni Sarah sa mga nanood ng concert.

Sa nasabing video, habang nagkukuwento si Sarah tungkol sa kanyang career at personal life, may biglang sumigaw mula sa audience ng “Mag-asawa ka na!” at nagtanong kung kailan daw siya magpapakasal.

Natawa muna ang Popstar Royalty saka nag-dialogue ng, “Huwag po kayong ganyan! Kausapin niyo po ‘yung nanay ko. Huwag ganyan! Ha-hahaha!”

Hirit pa ng Kapamilya singer-actress, “Nagtatrabaho po ako, ma’am. Wait lang, ma’am. I’m working here. Don’t you distract me, ma’am. Because I’m distract-able! Asan na nga ba ako? Ma’am kasi sabi ko, huwag niyo ako idi-distract.”

Seryosong sabi ng girlfriend ni Matteo Guidicelli sa audience, “Hindi love life, hindi success sa trabaho ang makakapagbuo sa ‘yo, kundi relasyon mo talaga sa Panginoong Diyos.”

Dito nagtawanan na rin ang audience at nagpalakpakan. Sa mga sumunod na concert ni Sarah sa US, hindi na ito nakitaan ng tensyon o pagkalungkot sa kabuuan ng show. Game na game na rin itong nakipagbiruan at nakikipagchikahan sa kanyang mga fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending