Lider barangay na inutil vs krimen, wag iboto

By Jake Maderazo May 07,2018
share this

Lider barangay na inutil vs krimen, wag iboto

By Jake Maderazo May 07,2018
share this

ILANG araw na lang ang kampanya para sa eleksyon ng mga bagong kapitan, kagawad at Sangguniang Kabataan. May 1,071,991 ang naghain ng certificates of candidacy at 386,206 dito ay para sa SK.
Sa totoo lang, ang halalan sa 42,000 baranggay ang matutu-ring kong malaking pagkakataon sa paglili-nis ng ating lipunan.
Susuyurin ng mga kandidatong ito ang pinakasulok ng kanilang baranggay para humingi ng suporta. Makakaharap nila ang lahat ng kanilang botante, mabuti man o masamang mamamayan. Malalaman nila ang kailangang solusyon sa problema ng baranggay para sa mas magaan at tahimik na pamumuhay.
Saan ba nanggaling ang mga kriminal, mga sindikato, mga masasamang tao at iba pa kundi sa bawat baranggay?
Imposibleng hindi sila kilala ng mga kandidato o yung mga ma-nanalo sa eleksyon. Alam nila ang “raket” ng bawat pamilya sa kanilang baranggay, lalo’t talamak ang tsismis at u-sap-usapan sa kanilang lugar.
Alam nila kung nasaan ang mga “drug den”, sino ang mga tulak, sino ang mga holdaper, mandurukot, akyat-bahay at iba pa.
At siyempre, pinag-aralan din ito ng mga masasamang loob. Sisi-guruhin nilang mananalo sa kanilang baranggay ang mga kandidatong hindi sila pakikialaman, takot sa kanila o kaya’y hawak nila sa leeg.
Tingnan ninyo ang partial narco-list ng PDEA na apat na beses nang “validated” ng mga law enforcement agencies: 207 baranggay officials ang nasa listahan, 117 dito ay mga kagawad at 90 ang baranggay chairmen na karamihan ay taga Bicol.
Dito sa Metro Manila, walong kapitan ng baranggay at isang da-ting kapitan ang nasa listahan. Lima sa lungsod ng Maynila, tig-isa sa Caloocan, Quezon City, Malabon City at Mandaluyong.
Sa mga kagawad, tatlo lang ang nasa listahan, dalawa sa Maynila at isa sa Quezon city. Kung sila mismo ay sangkot sa droga, paanong tatahimik at magiging ligtas ang kanilang baranggay at distrito kung nagkalat ang mga pusher at adik?
Paano tatahimik ang bayan kung patuloy na kinakanlong ng mga protektor na kapitan ang mga kriminal sa mga baranggay?
Ang baranggay po ang susi ng law and order sa ating mga pamayanan. Ngayong pati mga corrupt at abusadong mga pulis ay i-nuupakan na rin ng PNP counter-intelligence, ang baranggay ang magsisilbing protektor din ng mamamayan laban din sa mga abusadong pulis.
Bukod pa riyan ang pagbabantay sa paglabag sa mga batas sa environment, pagta-tapon ng dumi sa ilog, squatting, baranggay traffic at marami pang iba na layuning pagandahin ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Kung ang pipiliin natin ay popular o sikat, madaling lapitan at galanteng kandidato para lider baranggay, pero inutil naman laban sa kriminalidad sa in-yong lugar, aba’y mag-isip-isip na kayo.
Noong PNoy admi-nistration, nagkalat ang mga adik, holdaper, akyat-bahay, mga kriminal at pakawala ng pulis sa mga kalye. Ito’y dahil sa pagiging inutil ng mga lider baranggay at ng tiwaling PNP.
Limang taon tayong nagdusa sa mga inutil na kapitan ng baranggay at walong taon din sa Sangguniang kabataan dahil sa “postponed” lagi ang eleksyon. Ngayon pa lang at bago mag-Mayo 14, pumili na tayo ng mga bagong lider baranggay na maging totoo at tunay na kalaban ng kriminalidad sa ating mga lugar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending