Magpapakasal na rin ba si KZ Tandingan? | Bandera

Magpapakasal na rin ba si KZ Tandingan?

Reggee Bonoan |May 02,2018
facebook
share this

Magpapakasal na rin ba si KZ Tandingan?

Reggee Bonoan - May 02, 2018 - 12:25 AM


SUNUD-SUNOD ang nag-aasawa sa mga alaga ng Cornerstone talent management. Nitong Abril ay ikinasal na si Rachelle Ann Go sa Amerikanong si Martin Spies.

Kamakalawa ay nag-post si Erickson Raymundo na isa na namang talent niya ang malapit nang lumagay sa tahimik, si Moira dela Torre. Kung kailan nasa peak siya ng kanyang singing career ay saka naman biglang nag-propose ang long-time boyfriend niyang si Jason Marvin.

Nag-post si Erickson sa kanyang Facebook account kahapon ng, “Jason: Moira will you marry me? And their manager said, ‘Huwag munaaaa!!!'”

“But seriously, I’m happy for both of you @moirarachelle & @jasonmarvinph. I told Jason when he informed me of his plan to propose that I support his decision and whatever plans you will have after. I pray that your love story will continue to inspire more people. Just because our past was broken doesn’t mean our future will be, too,’ – Moira!”

Ang tanong, susunod na rin kaya si KZ Tandingan na magpapakasal dahil matagal na ring karelasyon ng singer ang boyfriend niyang si TJ Monterde. Tanda namin sinabi ng Asia’s Soul Supreme na napag-uusapan na rin nila ang kasal.

Anyway, mukhang wala namang magiging problema kay Angeline Quinto si Erickson dahil hanggang ngayon ay wala pang boyfriend ang dalaga. Feeling namin, kapag tinubuan na ng mga ugat sa binti si Angge ay saka palang niya pag-iisipan kung magpapakasal siya.

Mas mabenta ang mga babaeng alaga ng Cornerstone sa usapin ng kasalan kaysa sa mga lalaki na karamihan nga ay walang mga girlfriend tulad nina Sam Milby at Erik Santos.

q q q

Ngayong araw malalaman kung sinu-sino ang mga nominado sa gaganaping 66th FAMAS Awards sa Hunyo 10, sa The Theater Solaire.

Sa unang pagkakataon, ang mga nanalo ng FAMAS ay pipiliin ng isang independent jury na binubuo ng mga movie practitioners, academicians at critics sa pangunguna ng award winning script and literary writer na si Ricky Lee.

Kabilang sa mga pararangalan ay ang mga sumusunod: Best Picture, Best Director, Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actress, Best Supporting Actor, Besy Original Screenplay, Best Adapted Screenplay, Best Cinematography, Best Editing, Best Production Design, Best Music, Best Original Song, Best Sound at Best Special Effects.

Sa taong ito, magkakaroon din ng mga parangal para sa documentary at short films. Maaari ring makilahok ang publiko sa Audience Choice category para sa Best Picture, Actor at Actress.

Ang 2018 FAMAS ay presented ng Philippine Academy of Arts and Sciences and produced by Megavision Integrated Resources kasama si Donna Sanchez bilang Executive Producer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Film Development Council of the Philippines ang official government partner ng 66th FAMAS Awards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending