Bakit si Piolo ang kasama ni Claudine sa graduation ni Sabina...nasaan si Raymart? | Bandera

Bakit si Piolo ang kasama ni Claudine sa graduation ni Sabina…nasaan si Raymart?

|April 30,2018
facebook
share this

Bakit si Piolo ang kasama ni Claudine sa graduation ni Sabina…nasaan si Raymart?

- April 30, 2018 - 12:20 AM

SA halip na si Raymart Santiago, si Piolo Pascual ang kasama ni Claudine Barretto sa graduation day ng anak nilang si Sabina.

Nagpasalamat si Claudine kay PJ sa pamamagitan ng kanyang Instagram account sa pag-attend ng graduation ni Sabina na nakatapos na nga ng Grade 8 sa Multiple Intelligence International School sa Quezon City.

Ginanap ang graduation ceremony sa Cine Adarna ng University of the Philippines Film Institute (UPFI) Film Center nitong weekend.
Bilang ninong ni Sabina, isinama ni Claudine si Piolo sa pag-akyat sa stage nang bigyan na ng Loyalty Award ang anak nila ni Raymart. Nag-post ng mga photo at video ang aktres sa IG na kuha sa nasabing event.

Ang isang litrato nila ni PJ ay nilagyan niya ng caption na: “Happy Graduation Sabina. we luv u!! Mom, Saint, Q, kuya Cholo, Ninong Piolo @piolo_pascual @sabina_barretto_13 #miisgraduation.”

Marami naman ang nagtanong kay Claudine kung bakit wala si Raymart sa graduation ng anak kasabay ng pagpuri nila kay Piolo sa pagmamahal at pagpapahalaga nito sa kanyang i-naanak.

May nagkomento naman na baka hindi talaga ipinaalam ni Claudine sa kanyang estranged husband ang graduation ng kanilang anak? O baka naman daw naroon din si Raymart pero hindi na lang umeksena dahil nandu’n na nga si Papa P?

Anyway, in fairness naman, napanatili pa rin nina Claudine at PJ ang kanilang espesyal na pagkakaibigan mula pa noong magtambal sila sa pelikulang “Milan” noong 2004. Nagkasama rin sila sa serye ng ABS-CBN na Walang Kapalit noong 2007.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending