Young actress walang paki sa mga fans, dyosa ng kamalditahan | Bandera

Young actress walang paki sa mga fans, dyosa ng kamalditahan

Cristy Fermin |April 26,2018
facebook
share this

Young actress walang paki sa mga fans, dyosa ng kamalditahan

Cristy Fermin - April 26, 2018 - 12:15 AM


MAAGANG nagpakita ng kamalditahan ang isang young actress. Bagito pa lang siya ay palagi nang pinagpipistahan sa mga umpukan ng kanyang mga katrabaho ang kakaibang kasupladahan ng bagets actress na ito.

Marunong naman siyang magbigay-pugay sa mga nakatatandang artista, bumabati naman siya sa set kapag dumarating siya, pero hanggang ganu’n lang ang kaya niyang ibigay.

Kuwento ng isang source na madalas niyang nakakatrabaho, “Natural lang na kapag nasa location sila, e, may mga dumadayong fans, karamihan, e, mga estudyante. Nakakabalita kasi ang mga faney na nandu’n ang mga artista, kaya sugod mga kapatid ang ginagawa nila.

“Kapag ganu’n, pinagbibigyan naman ng mga artista ang pakikipag-selfie ng mga fans, minsan-minsan nga lang naman ‘yun. Pero iba ang girl, wala siyang panahong makipag-picture taking sa mga faney!

“Hindi siya lumalabas ng tent, talagang nandu’n lang siya, kesehodang may mga nagsasabi na sa kanya na may nag-aabang sa kanya sa labas.

“Sabi nga ng isang veteran actress na kasama niya, ‘Ibang klase rin ang batang ito! Kailangang bumalik sa step one ng pag-aartista ang girl, maldita!’

“Hindi rin gusto ng ibang personalidad ang dating niya na palaging nakataas-noo. Hindi siya naglalakad nang hindi nakataas ang ulo niya, halatadong maldita talaga siya.

“Malayung-malayo sa kanyang mga kamag-anak na artista rin ang young actress na ‘yun! Konting ngiti lang, e, hindi pa niya maibigay, may presyo ba ang pagngiti niya?” naiiritang kuwento ng aming impormante.

At patolah ang girl sa kanyang mga bashers, ipinaglihi siya sa patolang hinog ng kanyang ina, wala siyang pinalalampas.

Balik-kuwento ng aming source, “Alam n’yo ba na maraming nagsasabi na hindi sila magtatagal ng boyfriend niyang bagets actor? Naku, nilalagyan na ng marka ng mga nakapaligid sa kanila ang very sweet nilang relasyon ngayon.

“Isang araw, susuko rin ang guy sa kakaibang ugali ng girl. Hindi kaya bago sila maghiwalay, e, regaluhan muna ng isang bareta ng sabon ng lalaki ang girl? Para labhan ang ugali niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bareta ng sabon ba kanyo? Go na sa panghuhula kung sino ang malditang young actress na ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending