Teacher Georcelle sa kasalang Sarah-Matteo: Naku, wala akong masasabi! | Bandera

Teacher Georcelle sa kasalang Sarah-Matteo: Naku, wala akong masasabi!

Ervin Santiago |April 24,2018
facebook
share this

Teacher Georcelle sa kasalang Sarah-Matteo: Naku, wala akong masasabi!

Ervin Santiago - April 24, 2018 - 12:15 AM

SARAH GERONIMO, MATTEO GUIDICELLI AT TEACHER GEORCELLE DAPAT-SY

KAHIT anong pilit ang gawin ng ilang members ng entertainment press sa dance guru na si Teacher Georcelle Dapat-Sy tungkol sa planong pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay hindi talaga ito nagsalita.

May kumalat kasing chika na this year or early next year ang wedding ng dalawang Kapamilya stars, at alam naman ng lahat na isa si Teacher Georcelle sa malalapit na kaibigan ni Sarah sa mundo ng showbiz bukod pa sa pagiging personal choreographer nito.

Sa isang panayam natanong ang “reyna” ng G-Force kung may alam ba siya sa planong pagpapakasal nina Sarah at Matteo at kung nag-propose na ang binata sa Pop Princess ngunit tumanggi itong magsalita.

“Naku wala akong masasabi. It has to come from Sarah. It has to come from Matteo. Of course as you know, Sarah’s life is very private, and I know they are happy together. Nakikita ko naman kapag magkasama sila, iba ‘yung mga ngiti,” sey ng may-ari ng G-Force Dance Center na may dalawa nang branch ngayon, isa sa Il Terrazo sa Quezon City at isa sa Alabang sa 3rd floor ng Festival Mall.

Feeling ba niya si Matteo na ang “the one” para kay Sarah? “Alam mo kahit sino pa ang lalaking makapiling ni Sarah, ang importante napapasaya siya, boto ako. Ang importante masaya si Sarah. At nakikita ko kay Matteo, masaya siya,” sagot ng sikat na dance guru.

Samantala, noong April 7 ay pormal nang binuksan ang pinakabagong branch ng G-Force Dance Center sa Alabang. Naisipan ni Teacher Georcelle at ng kanyang asawang si Angel Sy na magtayo ng dance studio sa Festival Mall dahil sa dami ng mga nagre-request sa kanila, kabilang na ang mga kabataan.

Samantala, ang G-Force Project 2018 Summer Dance Workshop concert series naman ay magaganap na sa June 8, 12 at 16 sa The Theater, Solaire. Ito ang magsisilbing culmination ng lahat ng mga estudyanteng mag-e-enroll sa kanilang dance workshop.

Para sa mga interesadong mag-join call lang kayo sa 0917-8GFORCE (436273) o sa 02-7096077. You can also download their mobile app (G-Force Dance Center).

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending