Danica Sotto pinagalitan ni Ms. D: Sasabihin ko kay Marc iwanan ka!
IBINUKING ni Dina Bonnevie ang pagiging “kalatera” ng anak na si Danica Sotto-Pingris nang mapadalaw siya sa bahay nito at ng asawang si Marc. Pagdating sa relasyon sa son-in-law, mas magkakampi pa raw sila ni Marc.
“Nun’ng first few years ng kasal nila, I visit them or I travel with them. Tapos, umiiyak minsan ang bata (anak). Sasabihin ni Danica, ‘Marc! Marc!’ Talagang sinabihan ko siya, ‘Anong Marc? Asikasuhin mo ang anak mo!
“‘Kapag hindi mo inasikaso ‘yan, sabihin ko kay Marc, iwanan ka! You take care of your son!’” kuwento ni Dina nang ma-interview ng ilang members ng press na isinagawa ng manager niyang si Leo Dominguez.
Patuloy ni Miss D, “Si Marc kasi masinop sa gamit, eh. Doon sila pareho ni Oyo (Sotto). Eh si Danica, nu’ng umpisa, kalatera! ‘Naku, Danica, hindi ka anak ni Dina Bonnevie kung makalat ka.’ Because I’m so nitpicky with neatness. Hindi puwedeng madumi, makalat, maputik! Ayoko ng ganyan!’
“Tapos, sasabihin ni Marc, ‘Ma, kausapin mo nga si Danica, ang kalat-kalat eh!’ ‘Nakakahiya!
Sinasabihan pa ako ni Marc na ang kalat-kalat mo!’” with matching action pa na kuwento ni Dina.
Tinuruan niya ang anak na mag-segregate ng mga damit, sapatos at iba pang gamit sa bahay, “Sinasabi nga niya sa akin, ‘Ma, nahihilo ako. Para kang librarian!’ C’mon it’s easier naman.
“Ang bonding naming tatlo, magluto. Marc loves to cook at si Danica rin. Sabi ko nga, bakit hindi nila kami kinukuha sa commercial eh, magaling kaming magluto!
“Si Kristine (Hermosa) naman, nu’ng umpisa, hindi rin siya marunong magluto. Tapos, sasabihin ni Oyo, ‘Ma, ituro mo nga kay Kristine ang recipe ng kaldereta at saka ‘yung ganito.’
“Ang kapuri-puri kay Kristine, she’ll learn on her own. Then, she cooks for Oyo. Tapos sasabihin ko, ‘Tin, napakasimpleng tao ni Oyo. Lutuan mo lang nang masarap na pagkain ‘yan.” Then, she’s very masinop. Parang ako. Sobrang organized! Lahat naka-drawer, naka-label. Ang ayus-ayos niya!” saad naman ni Miss D sa daughter in law.
***
Bukod sa maayos na pagpapalaki ni Dina sa mga anak kay Vic Sotto, kuntento na rin siya ngayon bilang misis ni Ilocos Sur Vice-Governor DV Savellano. Damang-dama na niya ang role niya bilang politician’s wife lalo na’t ang husay na rin niyang magsalita ng Ilocano, huh!
‘Yun nga lang, hindi niya pinangarap maging politician kaya ang pagtulong na lang sa mga kababayan ng asawa ang tinututukan niya, kabilang na ang pagbibigay sa mga ito ng pagkakakitaan.
Napapanood ngayon si Dina sa seryeng The Blood Sisters, siya ang gumaganap bilang nanay ni Erich Gonzales.
Payag din si Dina na gumanap na cougar sa pelikulang pinaplanong gawin ni direk Joel Lamangan, ang “Overage.” Ito ‘yung sinasabing reunion movie nila ng kanyang “Underage” co-stars na sina Maricel Soriano at Snooky Serna.
Sino ang gusto niyang maging lover sa movie? “Sino sa young actors ang puwede kong maka-May-December affair? Ahhh, Sino ba? May maisa-suggest ba kayo? Basta dapat borta ang katawan, di ba?”
“Puwedeng Matteo Guidicelli, pwede ring Enrique Gil. Mga Ejay Falcon, Tom Rodriguez. E, kasi, pag si Daniel Padilla, baka magmukha akong lola niya! Ha-hahaha! Bagets na bagets kasi yung itsura ni Daniel!
“Saka kapag si James Reid naman, masyado siyang maganda (read: gwapo)! Baka mas maganda pa siya sa akin! Kailangan, yung ka-May-December ko, hindi masyado!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.