Balikan nina Coco at Yassi sa 'Probinsyano' inaabangan na | Bandera

Balikan nina Coco at Yassi sa ‘Probinsyano’ inaabangan na

Cristy Fermin |April 18,2018
facebook
share this

Balikan nina Coco at Yassi sa ‘Probinsyano’ inaabangan na

Cristy Fermin - April 18, 2018 - 12:10 AM

YASSI PRESSMAN AT COCO MARTIN

NAGBUBUNYI ngayon ang mga loyalista nina Coco Martin at Yassi Pressman sa seryeng Ang Probinsyano. Nakakaaliw ngang maramdaman na ang pananaw ng marami nating kababayan ay isang romantikong palabas ang seryeng ito at hindi action.

Ngayong lumalabo na ang nabuong relasyon nina Yassi bilang Alyanna at JC Santos bilang si Marco ay tuwang-tuwa ang mga tagahanga nila ni Coco bilang bumibidang si Ricardo Dalisay.

At nu’ng isang gabi lang ay tumawag pa ang isang kaibigan naming may-ari ng isang malaking kompanya, ang sabi nito, “Ayan, kasi, patol nang patol sa iba! Ni hindi man lang niya inalam kung ano ang tunay na pagkatao ni Marco, kaya ayan, magdusa siya!

“Sira-ulo pala ang natapatan niya! Kapag hindi nakuha ang gusto, nagse-self-distract! Hindi kasi makapaghintay kay Cardo na kaya lang naman nawala, e, dahil ipinaglalaban ang hustisya sa namatay nilang anak!” inis na inis na hinaing ng aming kaibigan.

Nakakatawa, kahit saan kami magpunta ay maraming tuwang-tuwa dahil magkakabalikan na raw uli sina Cardo at Alyanna, ganu’n katindi ang dating sa ating mga kababayan ng pang-iiwan ng babae sa kanilang idolong action star.

Romantic serye pala ito at hindi action. Likas talagang mapagpahalaga sa relasyon ang mga Pinoy, lalo na ang matatandang manonood, na apektado sa ginawang pakikipagrelasyon ni Alyanna sa ibang lalaki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending