EO sa “endo” pipirmahan ni Du30 bago o sa mismong Mayo 1-Palasyo

April 16,2018
share this

EO sa “endo” pipirmahan ni Du30 bago o sa mismong Mayo 1-Palasyo

April 16,2018
share this

 

TINIYAK ng Palasyo na pipirmahan ni Pangulong Duterte ang executive order kaugnay ng “endo” o pagbabawal sa  kontraktuwalisasyon bago o mismong sa pagdiriwang Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

“The President wants it as soon as possible. We all know that Labor Day is May 1. So, I would think that it will come out on or May 1,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na hindi natuloy ang pakikipagpulong sana ni Duterte sa mga labor group sa Malacanang ngayong araw.

“I can only surmise that the final version of the EO has not been agreed upon by both labor, management and government. It’s a tripartite document, which has to be agreed upon. So, possibly, they don’t have a final version yet,” dagdag ni Roque.

Idinagdag ni Roquena nais na ni Duterte na mapirmahan ang EO bilang bahagi ng kanyang mga naipangako sa kampanya noong Mayo 2016 elections.

“But I know that the President is rather restive about this EO. He has mentioned to me personally that this is a campaign promise that he wants to deliver to the people very soon,” ayon pa kay Roque.

Kasabay nito, siniguro ni Roque na ang mga empleyado ang magbebenepisyo sa EO.

“Well, I would suppose, because it is a promise given by the President to labor groups that it will be an EO that will side with the labor forces,” sabi ni Roque.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending