'Ryza Cenon siguradong patay na ngayon!' | Bandera

‘Ryza Cenon siguradong patay na ngayon!’

Cristy Fermin |April 14,2018
facebook
share this

‘Ryza Cenon siguradong patay na ngayon!’

Cristy Fermin - April 14, 2018 - 12:10 AM

RYZA CENON

NAKAKAAWA naman si Ryza Cenon. Kung nakamamatay lang ang mga paghusga at galit ay sama-sama na siguro nating sisilipin ang kanyang bangkay.

Grabe ang mga ipinakakaing salita sa aktres na nagsimula sa GMA 7 pero ngayon ay pumirma na ng kontrata sa ABS-CBN at isang gabi ay mapapanood na natin sa matagumpay na Ang Probinsyano.

Nagpaalaga na sa Viva Artists Agency ang dalaga, umalis na siya sa Artists Center ng GMA 7, kaya ang Viva na ang nagdedesisyon kung anu-anong proyekto ang ibibigay sa kanya.

Kawalan ng utang na loob ang sigaw ng mga namba-bash kay Ryza Cenon, hindi raw siya magtatagumpay sa paglipat sa ABS-CBN, dahil hindi niya pinahalagahan ang magagandang oportunidad na ibinigay sa kanya ng Siyete.

Lalo raw umangat ang talento ni Ryza sa seryeng Ika-6 Na Utos, pinapurihan siya du’n, pero ito lang pala ang ibabalik niya sa network na nag-alaga sa kanya.

Sana’y maintindihan ng mga nagagalit sa dalagang aktres na kapag pumirma na ng kontrata sa isang ahensiya ang artista ay isandaang porsiyento na niyang ipinauubaya ang kanyang karera sa mga nagma-manage sa kanya.

Wala na siyang magagawa dahil ‘yun ang sa tingin ng kanyang manager ay makagaganda para sa takbo ng kanyang career, susundin na lang niya ang trabahong ibinibigay sa kanya, pero hindi nangangahulugang itinatapon na niya ang utang na loob na dapat niyang tanawin sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending