B-day wish ni Matteo na maka-duet si Sarah G natupad na; Popsters kinilig | Bandera

B-day wish ni Matteo na maka-duet si Sarah G natupad na; Popsters kinilig

Ervin Santiago |March 28,2018
facebook
share this

B-day wish ni Matteo na maka-duet si Sarah G natupad na; Popsters kinilig

Ervin Santiago - March 28, 2018 - 12:15 AM

KILIG na kilig ang mga fans at social media followers nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa mga litratong naka-post sa Instagram at Twitter kahapon.

Kuha ang mga nasabing photo sa 28th birthday celebration ni Matteo na dinaluhan ng pamilya at mga kaibigan ng binata, kabilang na nga ang kanyang girlfriend na si Sarah G. Ginanap ang selebrasyon sa bagong bukas na restaurant na pag-aari ng pamilya Guidicelli na Da Gianni sa Alabang.

Bukod sa mga litrato nina Matteo at Sarah, marami ring video na ipinost ang mga bisita ng aktor sa social media kung saan mapapanood ang kanilang mga duet.

Ilan sa mga kinanta ng magdyowa ay ang hit songs ng dalaga na “Kilometro” at “Ikot-Ikot.” Kinanta rin nila together ang single ni Matteo na “’Wag Ka Nang Umuwi.”

Bukod kay Sarah, namataan din sa birthday party ni Matteo ang ilan lang kilalang celebrities tulad nina Judy Ann Santos at asawang si Ryan Agoncillo, Julia Barretto, celebrity doctors Vicki Belo and Hayden Kho, Rayver Cruz, Sofia Andres, Carlo Aquino, Randy Santiago, Rowell Santiago, Cherie Gil at Ria Atayde.

Samantala, todo na rin ang paghahanda ni Sarah para sa nalalapit niyang major concert, ang “This Is Me” na magaganap sa Araneta Coliseum on April 14. Ito ang magsisilbing regalo ng Popstar at Box-Office Queen sa kanyang fans para sa 15th anniversary niya sa showbiz.

Siguradong ngayon pa lang ay atat na atat na ang mga Popsters na mapanood muli sa concert stage ang kanilang lodi na petmalu. Balitang maraming pasabog ang dalaga sa pagbabalik niya sa Big Dome.

Ang “This is Me” ay isang celebration sa 15 years ng matagumpay na career ni Sarah as a total entertainer. At naniniwala kami na wala nang dapat pang patunayan ang dalaga pagdating sa pagiging singer and performer.

And for the first time ever on the concert stage, four of the country’s leading heartthrobs will be performing together with Sarah – sina Billy Crawford, Xian Lim, Daniel Padilla at James Reid. Sa mga special guests pa lang ng Pop Royalty ay sulit na sulit na ang ibabayad n’yo sa ticket.

At kilala n’yo naman si Sarah, kapag nag-concert talaga ‘yan ay bigay-todo, performance level talaga na akala mo’y wala nang bukas pa kung bumirit at humataw on stage.

Ang “This Is Me” ay sa direksyon ni Paul Basinillo with Teacher Georcelle as dance director and Louie Ocampo as musical director. This is produced by Viva Live.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For ticket inquiries para sa “This 15 Me” concert visit TicketNet online or call 911-5555 or Viva Live 687-7236.

Bukod sa kanyang 15th anniversary concert, tinatapos na rin ni Sarah ang bago niyang pelikula, ang “Miss Granny” directed by Joyce Bernal kung saan makakasama niya sina James Reid at Xian Lim. She is also finishing her new album under Viva Records while her latest single titled “Sandata” is now available on-line.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending