Marian magbibigay ng libreng surgery sa mga bingot | Bandera

Marian magbibigay ng libreng surgery sa mga bingot

Jun Nardo |March 16,2018
facebook
share this

Marian magbibigay ng libreng surgery sa mga bingot

Jun Nardo - March 16, 2018 - 12:50 AM

MARIAN RIVERA

PALALAWAKIN pa ni Marian Rivera ang pagtulong sa pagpapaopera ng mga batang may cleft lip at palate matapos ang ilang taong pagiging Smile Train Ambassador Goodwill.

Sa Instagram foto ni Yan Yan na may kargang isang batang may bingot, ibinahagi niya ang kanyang kasunod na plano upang suportahan ang Smile Train sa pagbibigay ng libreng surgery.

“…At ngayong nalalapit na ang first year ng on line flower shop kong Flora Vida by Marian, nais kong maging meaningful ang celebration sa pamamagitan ng pag share ng blessings sa Smile Train.

“Salamat sa mga sumusuporta sa Flora Vida, malaking tulong kayo sa pagbibigay ayuda sa mga batang natutulungan ng Smile Train. Smile is such a precious gift. It can change lives. #YANangsmile @floravidabymarian @smiletrain.ph,” bahagi ng caption ni Marian sa kanyang IG photo.

Nasusuklian naman ng biyaya ang kabutihan ng loob ni Marian dahil ngayong araw na ito isang bagong endorsement na naman ang ilu-launch niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending