DENNIS, TOM posibleng magkadebelopan at magkaroon ng relasyon sa tunay na buhay | Bandera

DENNIS, TOM posibleng magkadebelopan at magkaroon ng relasyon sa tunay na buhay

Ervin Santiago |June 24,2013
facebook
share this

DENNIS, TOM posibleng magkadebelopan at magkaroon ng relasyon sa tunay na buhay

Ervin Santiago - June 24, 2013 - 02:27 PM

NATATAWA na lang sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa mga nagsasabing baka raw isang araw ay magising na lang silang dalawa na mahal na ang isa’t isa – sa tunay na buhay at hindi lang bilang lovers sa punag-uusapang GMA TeleBabad bekiserye na My Husband’s Lover.

May mga nagsasabi na hindi raw imposibleng biruin ng tadhana sina Tom at Dennis, dahil nga sa halos araw-araw na pagsasama nila sa taping ng kanilang teleserye at sa mga nakakakilig na eksena nila, posibleng magkadebelopan na sila. Pero sabi ng dalawang aktor, malayo raw mangyari ‘yun dahil lalaking-lalaki naman daw sila sa tunay na buhay.

Para kay Tom, ibang klase raw ang feeling na marami silang napapaligaya at nae-entertain na manonood, at ngayon lang siya naka-experience na halos lahat ng nakakausap niya ay puro papuri ang sinasabi at kilig na kilig nga sa loveteam nila ni Dennis.

Sa huling interview namin kay Tom sinabi niyang proud siya sa tandem nila ni Dennis dahil sa pagkakaalam niya, sila ang kauna-unahang straight guys na nagkaroon ng loveteam at tanggap na tanggap ng publiko. Aniya, “Nakakapanibago, pero anuman ang ginagawa namin sa show, nagwu-work at naa-appreciate nila.

For me naman, I take it as a positive thing.”“Siguro lang, ito lang ang masasabi ko na proud ako na kami ang first na ganitong klaseng loveteam. Kasi before, kung may nagsabi sa akin a few weeks ago na posibleng ganitong klase, sasabihin ko sa kanila, ‘Hindi, nasisiraan na sila ng ulo.

Hindi posibleng ganyan. Hindi papatok sa tao.’ Pero, sobrang mali ako,” paliwanag ni Tom. Proud na proud din daw kay Tom ang mga magulang niyang naka-base sa Amerika na tumututok din sa My Husband’s Lover, “Sobrang saya nila. Nang mag-text sila, sinabi nila na naiyak sila.

Ang sarap ng feeling na kung yung mismong mga taong kakilala mo, nadadala sila, ibig sabihin, we’re doing the right thing, we’re on the right path.” May nagtanong kay Tom, kung tunay siyang lalaki, bakit natural na natural ang akting niya bilang bading, effortless kumbaga, “Kailangan talagang i-feel mo ang character.

Na hindi mo iisipin ang kasarian. Kailangan mong isipin ang pagmamahal kay Eric (Dennis). From there, buti naman at nagwo-work. Kasi, kapag cut na, kapag nagka-cut na, wala na. Kung on-cam na, kailangang buuin mo kung sino siya sa buhay mo.”

Kahit nga raw ang mga dating kasamahan ni Tom sa teleserye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart kung saan gumanap naman siyang partner ni Aiza Seguerra na tomboy naman sa nasabing telenovela, ay maligaya para sa kanya. Lalo na raw si Aiza, talagang nag-text pa raw ito para i-congratulate siya sa tagumpay ng My Husband’s Lover.

“Oo, grabe, grabe…Aiza is a very good friend. Hindi lang siya, si Tita Sylvia (Sanchez) tinawagan ako. Lahat sila, nag-text din. It’s a nice feeling. I have their support din. It’s so humbling. Kaya nga kami, we’re planning a get-together rin, kami nina Vandolph, Aiza, hopefully matuloy. Nami-miss ko na rin ang kulitan namin,” kuwento pa ni Tom.

Maliban naman sa pagiging trending nito worldwide sa Twitter, pagdagsa ng magagandang komento at feedback mula sa Facebook at mga blogs, at sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, pinag-uusapan at inaabangan din ng ibang TV networks at radio shows ang My Husband’s Lover.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

It has been a topic of RX 93.1 radio show, The Morning Rush. Ang TV and Radio personality na si Mr. Fu ay sumusubaybay rin sa serye. Pati na rin ang ilang mga tagakabilang network ay interesado rin sa mga eksena ng pinakabagong loveteam ng primetime, ang TomDen.

Ngayong linggo, mapipigilan pa kaya nina Vincent (Tom) at Eric (Dennis) ang kanilang tunay na nararamdam para sa isa’t isa? Mabuking na kaya ni Lally (Carla Abellana) ang tunay na pagkatao ng kanyang asawa? Alamin sa My Husband’s Lover, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Mundo Mo’y Akin sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending