Gretchen naka-chopper nang dumating sa sosyal na resto | Bandera

Gretchen naka-chopper nang dumating sa sosyal na resto

Alex Brosas - March 07, 2018 - 12:10 AM

GRETCHEN BARRETTO

BAGO pa man ang kanyang birthday ay may mga payanig na si Gretchen Barretto sa kanyang Instagram account.

Her IG account is already filled of activities days before her natal day which is March 6, kahapon. May natangap din si La Greta na super beautiful orchid set.

“Love & orchids coming my way 2 days before my birthday from our daughter Patty, son in law Anthony & handsome grandson Cheech. Grateful & Blessed family,” caption ni La Greta sa photo.

Nagpunta rin siya sa ilang simbahan together with a female friend. Sosyal that she is, La Greta, together with three of her closest female friends, went to a chichi resto. She did it in styles as they went to the place by riding in a chopper.

q q q

Watched the pilot episode of Bagani starring Liza Soberano and Enrique Gil.

The initial eksena was Enrique’s fight with a dragon. Intro pala iyon para ipakilala kung saang part siya ng Sansinukob na pinagpala ni Bathala.

Nahahati ito sa limang rehiyon – Taga-Patag na kilala bilang magsasaka; Taga-Gubat na puro mangangaso ang mga tao; Taga-Laot na binubuo ng mga mangingisda; Taga-Mangangalakal na pinakamayaman, pinakamalaki at pinakamakapangyarihan; at Taga Disyerto, mas kilala bilang rehiyon ng mga mandirigma na kinabibilangan ni Lakas (Enrique).

Binu-bully si Lakas at tinawag na anak ng traydor ng mga kapwa niya kabataan. Pinagtulungan siya ng mga ito. Sa isang pagtutunggali ay nagwagi ang batang si Lakas pero iba ang itinanghal na nanalo.

Tinawag pa siyang anak ng traydor. Sumumpa si Lakas na ibabalik niya ang dignidad ng kanilang angkan.

The show is a winner in terms of production design. Walang pagtitipid na ginawa ang Star Creatives. Talagang bongga ang ginamit na set.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

On location ang taping at lutang na lutang ang technical aspect nito. For that alone, worth watching na ang mga susunod na episode.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending