Away ng opisyal at ng minyon nito pera ang pinagmulan?

By Bella Cariaso March 04,2018
share this

Away ng opisyal at ng minyon nito pera ang pinagmulan?

By Bella Cariaso March 04,2018
share this

DA who ang isang opisyal at ang kilalang attack dog nito na nag-aaway dahil umano sa pera?

Balitang-balita ngayon ang away at siraan ng isang kilalang mataas na opisyal ng gobyerno at ng alagad nito.

Hindi naman nakapagtataka na pera ang rason kung bakit nagkasira si Mr. Official at ang tinaguriang attack dog nito.

Dati rati kasi, walang ginawa ang minyon
ni Mr. Official kundi

i-harrass ang mga hindi nila kapanalig.

Nagulat na lamang ang lahat lalo na ang mga biktima ng pambu-bully ng tinaguriang attack dog nang sila na ang nag-aaway.

Pinabanatan pa ni Mr. Official ang kanyang minyon at inilabas ang umano’y baho nito.

Hindi ba’t noon ay sobra ang ibinibigay na special treatment ni Mr. Official sa kanyang attack dog?

Kilalang spoiled noon ang minyon ni Mr Official, kung saan sari-saring perks ang ipinagkaloob, kasama na ang consultancy position sa kanyang tanggapan, isinasama sa mga junket, at posisyon sa isang ahensiya ng gobyerno bilang kapalit ng kanyang mga pagbanat.

Pero nitong huli, laman na ng blind items ang attack dog ni Mr. Official at lahat ng ipinagkaloob sa kanya ay isinumbat ng kontrobersiyal na opisyal.

Base sa deskripsyon ng mga banat ni Mr. Official, ipinalabas niyang halos isang patay gutom ang kanyang minyon.

Komento tuloy ng mga nagmamasid, dapat ay matuto na ang mga pumapayag na magpagamit sa opisyal dahil isinusumbat nito lahat ang kanyang naibigay sa kanyang mga minyon.

Ang siste pa nito pera ng gobyerno ang nilulustay ng opisyal para ipangsuhol sa kanyang mga minyon.

Gusto nyo ba ng clue? Napakalakas ng opisyal dahil kahit nasangkot na sa iba’t ibang kontrobersiya ay nakaupo pa rin ito sa pwesto dahil nga sa kanyang backer din sa pamahalaan.

At sino naman sa tingin nyo ang minyon ng opisyal? Ang clue sa kanya ay kung magsalita ay hindi daw sumusweldo sa gobyerno pero ang totoo pera pala ang pinag-awayan nila ng kanyang amo.

Bago nito, isa pang minyon nito ang bumanat at para manahimik, binigyan ni Mr. Official ang nag-iingay na isa pang attack dog ng mataas na posisyon sa isa sa mga ahensiyang kanyang nasasakupan.

Gets nyo na ba ang mga tinutukoy ko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending