John Lloyd dedma sa tawag ng Star Magic,nakalimutan na ang showbiz | Bandera

John Lloyd dedma sa tawag ng Star Magic,nakalimutan na ang showbiz

Reggee Bonoan |March 03,2018
facebook
share this

John Lloyd dedma sa tawag ng Star Magic,nakalimutan na ang showbiz

Reggee Bonoan - March 03, 2018 - 12:10 AM

JOHN LLOYD CRUZ AT TONI GONZAGA

MAY nagtanong sa amin kung babalik pa ba si John Lloyd Cruz sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home.

Mabilis ang naging sagot namin, “Only God knows kung babalik pa dahil mismong ang ABS-CBN management ay wala ring alam kung anong plano ni Lloydie sa showbiz career niya.”

Nabanggit din namin na pati mga taga-Star Magic na talent management ni John Lloyd ay wala ring alam dahil nu’ng minsang may nakasalubong kaming taga-SM at kinumusta ang aktor ay iling lang ang sagot sa amin, “Hindi nga po nakikipag-communicate. Panay nga ang kumusta namin, hindi nagte-text back.”

Kaya malinaw na nag-detach na talaga sa mundo ng showbiz si Lloydie. Ang tanong hanggang kailan?

Desidido na ba talaga siyang iwan ang pag-aartista?

Tungkol naman sa Home Sweetie Home, sa pagkakaalam namin ay hindi nakaapekto ang pagkawala ng aktor sa programa dahil napanatili nito ang mataas na rating at nitong nakaraang Sabado nga (Hongkong episode) ay nakapagtala sila ng mahigit sa 28%.

Malaking tulong si Piolo Pascual sa HSH pero ang tanong, hanggang kailan siya mananatili sa sitcom nina Toni dahil nagte-taping na rin ang aktor ng sarili niyang serye under Dreamscape Entertainment kasama sina Arci Muñoz, Alessandra de Rossi, JC de Vera at Empoy Marquez.

Maski na isang beses lang sa isang linggo o tuwing Martes lang ang taping ng Home Sweetie Home ay kumakain naman ito ng mahabang oras, ‘yun nga lang, parang hindi naman sila pagod masyado dahil chill-chill lang ang mga eksena nila.

May sitsit sa amin na, “Hanggang kaya po ni Papa P ang schedule niya at available siya ay hindi siya aalis sa Home Sweetie Home.”

Sa madaling sabi, 50-50 na iiwanan ng aktor si Toni?

If ever na magtuluy-tuloy si Piolo sa HSH at eere na ang serye niya ay isang buong linggo na siyang mapapanood sa telebisyon dahil may ASAP din siya pag araw ng Linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikaw na talaga, Papa P!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending