Abogado naka-bulletproof car sa takot na balikan ni madam

By Den Macaranas March 02,2018
share this

Abogado naka-bulletproof car sa takot na balikan ni madam

By Den Macaranas March 02,2018
share this

AMINADO ang isa na rin ngayong sikat na abogado, na isang bulletproof na Sports Utility Vehicle (SUV) ang kanyang ginagamit sa kasalukuyan.

Kaliwa’t kanan daw kasi ang mga banta sa kanyang buhay kaya dagdag na pag-iingat ang kailangan.

Paano nga naman siyang hindi pag-iinitan gayung siya ang nasa likod ng pagpapatalsik sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan.

Sangkatutak na akusasyon ang kanyang inilatag para idiin ang nasabing opisyal na kilala rin sa pagkakaroon ng “mental disturbance” sa kanyang pagkatao.

Pero nilinaw ni Mr. Lawyer na hindi sa kanya ang ginagamit niyang mamahaling bulletproof na SUV dahil ipinahiram lang umano ito sa kanya ng ilang nagmamalasakit na indibiduwal.

Wala raw siyang kakayahang bumili ng mamahaling SUV hindi katulad ng opisyal ng pamahalaan na kanyang inaakusahan.

Sa isang panayam ay sinabi ng abogado na bida sa ating kwento ngayong araw na hindi siya interesado sa anumang posisyon sa pamahalaan.

Masaya na raw siyang mailampaso sa hukuman ang opisyal na kanyang sinabi na kapit-tuko sa pwesto gayung hindi naman kwalipikado.

Nakahanda na rin daw siya sa mga pag-atake sa kanyang pagkatao at personal na buhay dahil ito naman daw ang kanyang inaasahan lalo na ng ilunsad nya ang kampanya laban sa naturang mataas na opisyal.

At para hindi raw madagdagan ang stress level niya sa katawan ay hindi na niya binubuksan ang kanyang social media accounts at pinaghahandaan niya ang isang malaking legal battle na haharapin ng kanyang judicial carreer.

Ang abogado na aminadong naghigpit ng seguridad at bulletproof SUV ang kanyang ginagamit sa araw-araw ay si Atty. L….as in Lambada.

Ang opisyal naman ng pamahalaan na kanyang ino-operate sa kasalukuyan ay si Madam L.S ….as in Love Song.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending