Robin ipinagdasal sina Aljur at Kylie: Nasa bahay ko na sina Romeo at Juliet! | Bandera

Robin ipinagdasal sina Aljur at Kylie: Nasa bahay ko na sina Romeo at Juliet!

Ervin Santiago |February 23,2018
facebook
share this

Robin ipinagdasal sina Aljur at Kylie: Nasa bahay ko na sina Romeo at Juliet!

Ervin Santiago - February 23, 2018 - 01:00 AM

KYLIE PADILLA, ROBIN PADILLA AT ALJUR ABRENICA

“NASA bahay ko na sina Romeo at Juliet!” Yan ang masayang ibinalita ni Robin Padilla matapos ang pamamanhikan sa kanila ng pamilya ni Aljur Abrenica.

Ayon kay Binoe, answered prayer ang pagbabati nila ni Aljur at ang muling pagpunta ni Kylie Padilla at ng kanyang apong si Baby Alas sa bahay nila ni Mariel Rodriguez.

Sa kanyang Facebook account, nag-post ang action star ng litrato nila nina Aljur at Kylie na may caption na: “Purihin Ang Panginoon! Isa sa mga Dasal ay nagkaroon ng kasagutan.”

Pahayag pa ni Binoe sa isang panayam nang tanungin kung ano ang feeling na buo na uli ang kanilang pamilya, “Matanda na po yung anak ko, matanda na din si Aljur. Ang maganda lang doon ay si Romeo and Juliet ay nandoon na sa bahay ko, Feb-ibig ibig.”

Ayon kay Aljur, nag-try naman daw sila ni Kylie na kausapin si Robin pero feeling nila hindi pa tamang panahon. Alam din kasi nila na mas gusto ni Binoe na makasal muna sila bago makipagkita sa kanila.

Sey ni Robin, malaki ang naitulong ni Mariel sa pagbabati nila ni Aljur. Nag-post pa nga si Mariel sa Instagram ng isa pang picture nina Robin, Kylie at Aljur na may caption na: “Because FAMILY is EVERYTHING.”

Nagkomento naman si Robin ng, “Ikaw ang naging tulay @marieltpadilla maraming salamat at hindi ka nagsawa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending