Mommy ni Robin napaiyak matapos ipaglinis ni Mariel ng CR | Bandera

Mommy ni Robin napaiyak matapos ipaglinis ni Mariel ng CR

Alex Brosas |February 23,2018
facebook
share this

Mommy ni Robin napaiyak matapos ipaglinis ni Mariel ng CR

Alex Brosas - February 23, 2018 - 12:50 AM

ROBIN PADILLA , EVA CARINO, MARIEL RODRIGUEZ, KAYLIE PADILLA AT ALJUR ABRENICA KASAMA ANG KANYANG PAMILYA

TALAGANG pinatunayan ni Robin Padilla na hindi siya nagkamali sa pagpili kay Mariel Rodriguez bilang asawa.

Of late, the star of Sana Dalawa Ang Puso shared on social media how she cared for his mom Eva Cariño-Padilla. Napatawag daw sa kanya ang kanyang ina.

“Tinawagan ako ng Ermats ko kahapon ng tanghali @evacarinopadilla at siya’y umiiyak nabigla ako at ninerbios pero wala naman palang emergency kundi gusto daw niya malaman ko na love na love daw niya ang asawa ko.

“Kasi nong pumunta sila sa birthday party ng aking auntie Letty inabutan daw si ermats ng pag ihi pero naurungan daw siya kahit sasabog na ang kanyang pantog dahil parang marumi na ang toilet sa dami ng bisita na gumamit nito.

“Pero kagyat daw siyang sinamahan ni Mariel sa CR at nilinis ang CR pati ang toilet bowl na nilagyan ng tissue ang bawat inches ng uupuan niya. Maraming salamat sa iyo @marieltpadillaang iyong kagandahan ay nagmumula sa iyong puso bago sa iyong panlabas na anyo,” caption niya sa IG photo ni Mariel.

Samantala, sa Sana Dalawa Ang Puso ay vindicated si Leo Tabayoyong (Robin) dahil ang kasama niyang si Ryan Bang ang nakakita ng hindi-mahanap na flash drive. Ibinigay niya ito kay Lisa (Jodi Sta. Maria) na tuwang-tuwa sa kanya. Napatunayan ni Leo kay Lisa na hindi siya ang nagnakaw ng flash drive.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending