Lovi pang-best actress ang hugot; Erich magaling gumiling sa kama | Bandera

Lovi pang-best actress ang hugot; Erich magaling gumiling sa kama

Ervin Santiago |February 23,2018
facebook
share this

Lovi pang-best actress ang hugot; Erich magaling gumiling sa kama

Ervin Santiago - February 23, 2018 - 12:25 AM

TOM RODRIGUEZ, LOVI POE AT ERICH GONZALES

ACTING showdown, tumatagos na mga hugot lines, pagalingan sa halikan at dyugdyugan! ‘Yan ang maaasahan sa bagong obra ni Joel Lamangan, ang “The Significant Other”.

Grabe! Talagang papalakpakan mo ang bawat eksena sa pelikula, lalo na ang mga nakakalokang confronation scene nina Erich Gonzales, Lovi Poe at Tom Rodriguez. Nagkakaisa ang mga entertainment writers na nanood sa premiere night ng movie sa pagsasabing ibang klaseng kabit movie nga ang “The Significant Other”.

Para sa akin, sosyal ang pagkakagawa ng pelikula, hindi kasi ito ‘yung tipo ng “other woman” movie na palengkera at bungangera ang mga bida.

Kahit na nga tungkol sa kabit ang “Significant Other”, nabigyan ni direk Joel ng kakaibang twist and turn ang kuwento kaya naman mula simula hanggang ending ay parang kasali ka rin sa takbo ng kuwento, bahala ka na kung kanino ka kakampi – kung sa legal wife na si Lovi bilang si Maxene o sa kabit na ginagampanan nga ni Erich as Nicole.

Isang supermodel si Lovi sa istorya, na nabuntis ng cosmetic surgeon being played by Tom. Nagdesisyon silang manirahan muna sa Amerika kasama ang kanilang anak.

Pagbalik nila sa Pilipinas, bumalik sa pagmomodelo si Lovi kaya nawalan na ng panahon sa asawa hanggang sa makilala at makarelasyon nga nito si Erich na isa namang aspiring model.

In fairness, halos lahat ng mga nanood sa premiere night ay talagang nag-enjoy sa mga catfight nina Lovi at Erich, lalo na ang eksena sa fashion show kung saan nagpaligsahan sila sa paghalik kay Tom sa harap ng maraming tao. Isa ito sa mga eksenang tumatak sa audience.

Tilian din ang mga tao sa mga maiinit na love scene ng tatlong bida. Kung walang arte si Lovi sa pakikipag-sex kay Tom sa pelikula, mas lumaban si Erich sa kama dahil mas matagal ang love scene nila Tom na siguradong ikaka-shock ng kanyang mga fans.

Pero more than the sex and confrontation scenes, ang talagang maipagmamalaki ng pelikula ay ang maayos na paglalahad ng kuwento nito, ang napakagandang cinematography at ang bonggang pagkakadirek.

Timpladung-timplado ni direk Joel ang bawat eksena, pati na ang drama moments nina Lovi (nang mabuking niya na may kabit ang asawa), Erich (when she found out na other woman pala siya) at Tom (nu’ng layasan na ng asawa’t anak).

May bonus pa pala – ito yung isang eksena ng gay character actor na si Ricci Chan na talagang nangabog sa kanilang lahat! Ha-hahahaha! Palakpakan din ang mga manonood sa bonggang scene na ito. Plus the tarayan at sampalan scene nina Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ngayon sa mga sinehan nationwide ang “The Significant Other”. Binigyan ito ng Grade B ng Cinema Evaluation Board habang R-13 naman ang rating ng MTRCB.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending