Showbiz couple grabeng maglandian kahit sa pampublikong lugar | Bandera

Showbiz couple grabeng maglandian kahit sa pampublikong lugar

Cristy Fermin |February 18,2018
facebook
share this

Showbiz couple grabeng maglandian kahit sa pampublikong lugar

Cristy Fermin - February 18, 2018 - 12:15 AM

SOBRANG gasgas na ang linyang isinasagot ng isang magandang young actress at ng isang hunk actor tungkol sa kanilang relasyon. Wala raw silang relasyon, magkaibigan pa lang daw sila, aamin daw naman silang pareho kapag sila na talaga.

Isang source ang inis na inis dahil madalas nitong makita ang dalawang personalidad kung paano magyakapan, palaging nakaangkla ang babae sa lalaki, para silang mga sawa na palaging magkapulupot.

Ang punto lang naman ng source ay paano pa kapag silang dalawa na lang ang magkasama? Di mas matindi pa kesa sa pagyayakapan ang kanilang ginagawa?

Komento ng aming source, “Nakakabuwisit lang dahil ginagawa nilang mga tanga ang mga nagtatanong sa kanila! Alangan namang hindi sila usisain, e, nakikita nga silang super-sweet!

“Pero kapag tinatanong na sila, ang isinasagot nila, e, malayo sa katotohanan, magkaibigan lang daw sila, kinikilala pa raw nila ang isa’t isa. Kinikilala pa lang? E, bakit para na silang magdyowa? Nakaangkla palagi ang girl sa lalaki, yakap naman nang yakap si lalaki kay babae?

“’Yun ba ang magkaibigan pa lang? Tantanan na nga nila tayo! Kung makapagyakapan sila, e, parang wala nang ibang nabubuhay sa mundo kundi silang dalawa lang, hindi pa pala sila magkarelasyon nu’ng lagay na ‘yun?” napapailing at naiinis na kuwento ng aming source.

Nu’ng minsang manood ng sine sa isang sosyaling sinehan ang dalawang personalidad ay nagtitinginan sa kanila ang lahat dahil sobrang ligaya nila habang naglalakad nang magka-holding hands.

Sabi naman ng isa pang impormante, “’Yun ba ang hindi pa raw magkarelasyon? Ano pa ang gagawin nila in public kapag sinabi nilang mag-boyfriend na nga sila? Nakakaloka ang dalawang ‘yun, makakaya ba naman nilang gawing tanga ang lahat ng mga nakakakita sa kanila?

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo kung sinu-sino ang mga paeklay na magdyowang ito!

“Ganito na lang. Patawirin n’yo kaya silang dalawa sa river, tingnan natin kung hindi sila magyayakapan? Tantanan na nga tayo ng mga plastikadang ‘yan!” inis na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending