Kapalaran mo ngayong Year of the Dog

By Leifbilly Begas February 16,2018
share this

Kapalaran mo ngayong Year of the Dog

By Leifbilly Begas February 16,2018
share this

YEAR of the Earth Dog na.

Batay sa astrolohiya
mayroong kinakaharap na iba’t ibang kapalaran ang bawat tao depende kung kailan siya ipinanganak.

Narito ang forecast ni Master Hanz Cua, isang eksperto sa Feng Shui, Bazi o Chinese Astrology at Zi Wei Dou Shu (Emperor Purple Star Astrology) sa iyong kakaharapain ngayong taon.

RAT
(1912, 1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008)
Hindi magandang magpalit ng trabaho ngayong taon. Kailangan din kumuha ng insurance para sa iyong mga air-arian.
Kung bibili ng bahay, mabuting sumangguni sa isang Feng Shui Master para mas lucky ang mapipiling bahay.
Hindi rin magiging kampante sa relasyon ngayong taon. Posibleng mabuntis nang hindi inaasahan.
Magiging masuwerte sa iyo ang buwan ng Pebrero, Oktubre at Marso.

OX
(1913, 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997 at 2009)
Malakas ang iyong money luck. Tumaya sa lotto at baka naroroon ang iyong swerte.
Kung may kinakaharap na asunto o mayroong magrereklamo laban sa iyo ay malalagpasan mo ito.
Huwag masyadong “sakalin” o “kontrolin” ang minamahal o karelasyon.
Kung may asawa ka na iwasan ding manukso.
Kung maaari ay huwag na munang magpatira ng kamag-anak o kaibigan sa iyong bahay.
Masuwerteng buwan ang Hunyo, Marso at Hulyo.

TIGER
(1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 11974, 1986, 1998, at 2010)
May mga darating na oportunidad ngayong taon at huwag itong palagpasin.
Magkakaroon ng business expansion at mga bagong business partner.
Kailangan lang kontrolin ang bisyo.
Magandang taon din ito para magpakasal pero dapat kang maging mapagmatyag sa susulpot na third party.
Magandang taon ito para magkaroon ng baby.
Masuwerte ang buwan ng Hunyo, Oktubre at Disyembre.

RABBIT
(1915, 1927, 1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, at 2011)
Malakas ang love luck ng mga
ipinanganak sa taon ng kuneho ngayong 2018.
Magiging masaya ang buhay mag-asawa at magandang taon din para magkaroon ng baby.
Kailangan namang mag-ingat sa mga magnanakaw at holdaper.
Maganda rin kung magpapalagay ng CCTV.
Masuwerte ang buwan ng Marso, Hulyo at Oktubre para sa mga rabbit.

DRAGON
(1916, 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000 at 2012)
Isang conflict year ang taon na ito para sa mga Dragon.
Maghinay-hinay kung may plano na magpalit ng trabaho. Dapat ding hindi magpadalos-dalos sa pagdedesisyon sa negosyo.Huwag magpapakasal ngayong taon at huwag ding magka-baby dahil hindi maganda ang taon na ito para sa iyo.
Mag-ingat sa pagtataksil ng karelasyon.
Maganda ang hatid sa iyo ng buwan ng Abril, Agosto at Setyembre pero hindi ang buwan ng Oktubre.

SNAKE
(1917, 1929, 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001)
Maganda ang pasok ng pera sa taont ito.
Tamang panahon din para magpalit ng career at sundin ang iyong intuition sa pagdedesisyon.
Dapat namang magdahan-dahan sa pagpasok sa short term relationship.
Bago pumasok sa bagong pag-ibig, magtanong-tanong muna.
Masuwerte ang buwan ng Abril, Agosto at Setyembre; malas ang Oktubre.

HORSE
(1918, 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002, at 2014)
Isa itong adventurous year para sa mga ipinanganak sa taon ng kabayo. Magiging isa itong mabilis at agresibong taon. Mayroong mga tutulong upang makakuha ng bagong kliyente.
Maganda rin ang taon para magka-baby. Malakas din ang marriage luck ngayong taon.
Sa mga kakamove-on pa lang o single, tamang panahon para magsimula ng bagong relasyon.
Masuwerte para sa iyo ang buwan ng Hunyo, Hulyo at Oktubre pero hindi sa buwan ng Disyembre.

SHEEP
(1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979, 1991, 2003, at 2015)
Ang pagtitiyaga at pagtatrabaho nang lubos ay magbibigay ng magandang resulta. Kailangan din mag-focus sa ginagawa.
Dapat ay balansehin ang pamilya at trabaho.
Mas madaling ma-depressed ang mga taong ipinanganak sa year of the Sheep; unstable ang kanilang
emosyon.
Kaya makipagkuwentuhan sa mga kaibigan at kapareho sa mga bagay na pinangangambahan.
Masuwerte ang buwan ng Marso, Hunyo at Hulyo para sa kanila pero malas ang buwan ng Enero.

MONKEY
(1920, 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, at 2016)
Magiging mabagal ang proyekto at trabaho sa unang bahagi ng 2018.
Kailangang resolbahin ang mga problema mula sa nakaraan.
Dapat ding maging tapat sa trabaho.
Mayroong mga sekreto na masisiwalat. Kailangan mong maging tapat sa iyong partner.
Mag-ingat din sa third party dahil sisirain nito ang iyong buhay mag-asawa at pamilya.
Masuwerte ang buwan ng Agosto, Mayo at Abril sa kanila.

ROOSTER
(1921, 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, at 2017)
Nasa inyo ang illness star ngayong taon kaya ingatan ang kalusugan.
Mag-ingat sa kung ano ang iyong kakainin.
Maaari ring maaksidente kaya ibayong pag-iingat ang kailangan.
Ang pagbiyahe ay magbibigay sa iyo ng bagong oportunidad.
Hindi rin ito ang magandang panahon para magkaroon ng baby.
Ang mga single na bibiyahe sa ibang bansa ay maaaring makatagpo ng makakarelasyon.
Masuwerte ang buwan ng Oktubre, Abril at Mayo, pero hindi ang Abril.

DOG
(1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, at 2018)
Nasa iyo ang victory at success star ngayong taon.
Maaaring kilalanin at makatanggap ng mga award.
Ito rin ang magandang panahon para bumili ng ari-arian at magbukas ng bagong negosyo.
Umiwas naman sa pagharap sa hilagang kanluran.
Ang mga single ay maaaring makatagpo ng makakarelasyon sa mga social gathering o event.
Huwag sosobrahan ang pagtatrabaho dahil makakaapekto ito sa relasyon.
Magiging masuwerte ang buwan ng Marso, Nobyembre at Mayo sa iyo.

PIG
(1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, at 2007)
Nasa sa kanila ngayon ang nobleman star. Mayroong mga darating na oportunidad at tagumpay ngayong taon para sa kanila.
Malakas din ang promotion luck.
Kung mayroong negosyo, tatalunin ang iyong kalaban.
Ang mga babae na ipinanganak sa taon ng Pig ay mas masuwerte kumpara sa mga lalaki.Paglaanan ng oras ang kapareha at pamilya.
Masuwerte ang buwan ng Disyembre, Pebrero at Setyembre para sa mga Pig.— Leifbilly Begas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending