Carlo nakiusap sa mga nambabastos kay Maine

By Ervin Santiago February 11,2018
share this

Carlo nakiusap sa mga nambabastos kay Maine

By Ervin Santiago February 11,2018
share this

CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA

HINDI na nakayanan ni Carlo Aquino ang pambabastos ng ilang bashers kay Maine Mendoza.

Nagsimula ito sa pag-attend ng Dubsmash Queen sa premiere night ng pelikula ni Carlo na “Meet Me In St. Gullen”.

Nandoon si Maine sa imbitasyon ng direktor ng movie na si Irene Villamor na siya ring nagdirek ng serye nina Maine at Alden Richards sa GMA na Destined To Be Yours.

Nag-post din si Maine ng selfie photo nila ni Carlo sa social media na hindi nagustuhan ng ilang fans ng aktor.

Isang netizen (@ZCargel) ang nag-post ng screenshoot ng palitan ng mensahe ni Carlo at ng basher na si @rodoraledesmas, na walang habas na nag-post ng kung anu-anong malalaswang salita patungkol kay Maine.

Sa Instagram comment ni @rodoraledesmas sinabi nitong, “Pati si Carlo natakot sa kamanyakan mo Maine.”

Sagot naman ng isa, “Thats y ayw ko sa fandom ni Maine naku paps @carloaquino11 yan nakita ko sa IG, tsk legit ba yan totoo ba yan? humaygad layo layo ka dyn mga mulats at smf na yan ng aldub dto ka samin cargel ship kaw ang hari nmin bumangga sabog. @angelica_114 #CarGelMulingIbalik!”

Dito na nag-send ng private message si Carlo sa basher at nakiusap ngang huwag manira sa kanyang feed. Sagot naman daw ni @rodoraledesmas, hindi siya basher, in fact, dati raw siyang fan ni Maine.

Nang may magtanong kay Carlo sa Twitter kung inaway ba niya ang basher ni Maine, tugon ng aktor, “Nakiusap lang ako na huwag siyang manira ng mga tao sa feed ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending