Mananaya sa Batangas nanalo ng P45.3M sa Ultra Lotto | Bandera

Mananaya sa Batangas nanalo ng P45.3M sa Ultra Lotto

Leifbilly Begas |February 08,2018
facebook
share this

Mananaya sa Batangas nanalo ng P45.3M sa Ultra Lotto

Leifbilly Begas - February 08, 2018 - 08:58 PM

    Isang mananaya sa Batangas ang nanalo ng P45.3 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 sa bola noong Miyerkules ang gabi.     Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Batangas City Grand Terminal sa bayan ng Alangilan.     Ang naturang lotto outlet ay pinatatakbo ni Louella Trasadas.     Ang nanalo ay tumaya ng lucky pick o ang lotto machine ang namili ng numero para sa kanya.     Ang winning number combination sa naturang bola ay 38-14-44-07-26-34.     Nanalo naman ng tig-P32,960 ang 32 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.     Tig-P870 naman ang 960 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 17,066 mananaya na nakatatlong numero.     Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending