Grade 6 student sinaksak ng ama, patay | Bandera

Grade 6 student sinaksak ng ama, patay

John Roson |February 03,2018
facebook
share this

Grade 6 student sinaksak ng ama, patay

John Roson - February 03, 2018 - 07:07 PM

NASAWI  ang isang grade 6 student nang pagsasaksakin ng sariling ama, sa kanilang bahay sa Villasis, Pangasinan, Sabado ng umaga. Ikinasawi ni Jean Dave Evangelista, 13, ang mga saksak sa dibdib at kinakitaan din siya ng saksak sa kaliwang kamay, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Nadakip naman ang ama niyang si Pablito Evangelista, 47. Naganap ang insidente sa bahay ng mga Evangelista sa Brgy. Puelay, dakong alas-2:40. Natutulog si Jean dave nang bigla na lang umanong pagsasaksakin ng ama, ayon sa ulat. Bago iyo’y nakaupo sa pintuan ng bahay si Pablito, kasama ang ilang kaanak na dumadalo sa isang lamay sa kanilang compound. Sa di pa malamang dahila’y biglang pumasok si Pablito, kumuha ng kutsilyo sa mesa, at pinagsasaksak ang natutulog na anak, ayon sa pulisya. Itinakbo pa ng mga kapitbahay si Jean Dave sa Ordonez Medical Hospital ng Villasis, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. Mga kapitbahay din ang nag-ulat ng insidente sa lokal na pulisya, na kagyat namang rumesponde at naaresto ang suspek. Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang mga awtoridad habang isinusulat ang istoryang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending