Kiray Celis may bagong dyowa: Never naging kami ni Kirst Viray! | Bandera

Kiray Celis may bagong dyowa: Never naging kami ni Kirst Viray!

Ervin Santiago |February 02,2018
facebook
share this

Kiray Celis may bagong dyowa: Never naging kami ni Kirst Viray!

Ervin Santiago - February 02, 2018 - 12:30 AM

KIRST VIRAY AT KIRAY CELIS

“HINDI ko po talaga naging boyfriend si Kirst Viray, at walang gamitang naganap!” Yan ang ipinagdiinan ni Kiray Celis tungkol sa naging “relasyon” nila ng hunk model-actor.

Makulay daw ang lovelife ngayon ng komedyana dahil meron siyang non-showbiz boyfriend – isa raw itong 21-year-old guy na may height na 5’11”.

“Napakasaya ko po, masaya po ako! Non-showbiz po, hindi po si Kirst, pakisulat po. Hindi po si Kirst, kalimutan na po natin ‘yan dahil hindi po talaga siya naging boyfriend, at kahit kailan ay hindi ko po siya magiging boyfriend!” ang sunud-sunod na pahayag ni Kiray sa presscon ng Valentine offering ng Regal Films, ang “My Fairy Tail Love Story” starring Elmo Magalona and Janella Salvador, sa direksiyon ni Perci Intalan.

Gaano na sila katagal ng kanyang BF? “Siguro mga five months ago. Tsaka gusto ko lang sabihin na worth naman po si Kirst, magandang kaibigan po si Kirst. Pero noong mga panahong nagsisimula po kami ni Kirst, wala akong projects.

“Nakatulong yung isa’t isa para mapag-usapan at magkaroon ng mas maraming trabaho. Sa totoo lang, marami ang naging trabaho namin nang mapag-usapan kami, kaya thankful kami sa isa’t isa,” pahayag pa ng magaling na komedyana.

Nag-share pa ng iba pang detalye si Kiray tungkol sa bago niyang dyowa, “Isa siyang businessman… pagkain, restaurant. Dumating siya na…matagal na kaming magkakilala, three years ago pa. Tapos, ayun, recently lang kami nag-usap masyado. Bigla na lang na, ‘Oppps, puwede pala.’”

Hindi kaya ginagamit lang din siya ng bago niyang boyfriend para sa mga negosyo nito? “Hindi naman. Ewan ko ba, parang puro na lang gamit. Wala naman siyang makukuha sa akin.

“I don’t promote nga his restaurant, kasi puro ganyan na lang yung tsismis. Hindi na rin ako pumunta para hindi mukhang pinu-promote ko. Nagbibigay ako ng ideas sa kanya, tumutulong ako kapag hindi na nakikita ng mga tao,” aniya pa.

Samantala, ibang Kiray Celis naman ang mapapanood sa “My Fairy Tail Love Story” na mapapanood na sa mga sinehan sa Feb. 14, Araw ng mga Puso. Nagpasalamata siya kina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo sa pagbibigay sa kanya ng chance na makasama sa isang fantasy-romcom movie sina Elmo at Janella.

In fairness, natuwa rin sina Mother Lily kay Kiray dahil kahit na may injury siya sa paa matapos masagasaan ng sasakyan ay um-attend pa rin siya sa presscon ng peliula ng ElNella. Ganyan ka-professional at ka-dedicated ang komedyana sa kanyang trabaho kaya naman patuloy ang pagdating ng blessing sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending