Si boyfriend, ex naman ni boss

By Beth Viaje January 31,2018
share this

Si boyfriend, ex naman ni boss

By Beth Viaje January 31,2018
share this

MAGANDANG gabi, ateng Beth.

Problema ko kasi ay sa trabaho. Kasama ko ang BF ko rito. Nagkataon din na itong BF ko na kasama ko sa trabaho ay naging BF din ng boss ko.

Tapos, ateng, sabi ng BF ko na BF din dati ng amo ko, ay umabot sila ng isang taon. Pero sa isang taon na iyon ay hindi niya naramdaman na mahal niya ang amo ko.

Hindi rin daw siya tinanggap ng mga magulang ng amo ko dahil wala raw siya (BF) tinapos na magandang kurso.

Kwento pa ng BF ko, hindi naman daw niya niligawan ang amo ko. Ang amo ko ang nanligaw sa kanya.

Dumating pa nga raw sa punto na kahit magkandautang-utang itong amo ko ay ginagawa niya para lang mabigyan ng kung ano-ano ang BF ko ngayon. Ang tanong ko lang dapat bang pagkatiwalaan ko ang BF kong ito na ex naman ng boss ko?

Mystery girl

Dear Mystery girl,

Sa totoo lang, nahilo talaga ako sa sulat mo. Buti na lang may copy editor kami na umintindi nang husto sa sulat mo. Pero, ateng, naloka ako!

Anyway, subukan natin sagutin itong mga isyu mo, ha?

Una, yang BF na naging BF ng boss mo, masyadong madaldal. Yan yung tipong lalaking kiss-and-tell.

Hindi ko alam kung anong motibo niya sa pagkukuwento niya sa naging relasyon nila ng boss mo, and to think boss mo iyon na kasama mo halos araw-araw. Anong gusto niyang iparamdam sa iyo, na maswerte ka dahil ikaw ang pinili at hindi yung boss mo? Na dapat ma-insecure ka dahil ‘yung boss mo ay big time?

Come to think of it, dapat pa ba siyang magkuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa ex niya na kasama mo araw-araw? Hmmm…something is fishy about him.

Pangalawa, ‘yung kwento niya na ginagastusan siya ng dati niyang GF tapos hindi pa siya masaya at hindi niya mahal ang girl, aba’y tunog user-friendly ‘yang BF mo, ‘teh!

Kung ‘yung isa ginamit niya, what makes you think na hindi ka rin niya gagamitin? Mahal ka niya, sasabihin mo. Sa palagay mo ‘yung lalaking talamak manloko at manggamit ng ibang babae para sa kapakanan niya ay capable ng totoong pagmamahal? Paano mo masisiguro na talagang mahal ka nga niya?

Ikaw, paano ka nakakampante sa lalaking ka holding hands mo na naging sanhi ng pagkakabaon sa utang ng kapwa mo babae dahil lang gusto niyang bigyang luho ang dati niyang BF.

Ganyan ba talaga ang lalaking gusto mo? Paano mo ipakikilala sa mga kaibigan mo ang lalaking ‘yan?

“Oy friends, ito ‘yung BF ko na ex ng boss ko na hinuthutan niya ng kung ano-ano, hanggang sa magkandabaon-baon sa utang yung boss ko.”

Mag isip ka ateng… mukha namang maayos kang babae (magulo ka lang magsulat) kasi alam mo na may mali sa lalaking ginugusto mo.

May problema ka ba kay misis o mister, sa BF o sa GF? Gustong maligawan, o kaya ay gustong kumalas sa kasintahan? May problema sa mga anak o mga magulang? Pera ba kamo? Aba’y isulat na yan kay Ateng Beth sa inquirerbandera2016@gmail.com o kaya ay i-text sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending