Horoscope, January 29, 2018 | Bandera

Horoscope, January 29, 2018

Madam Sophia |January 29,2018
facebook
share this

Horoscope, January 29, 2018

Madam Sophia - January 29, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sopresa ang matatanggap na sobrang ikagagalak mo, habang pa-tuloy ang pagdating ng mga kumplikadong pangyayari. Makipagsapalaran, may malaking halaga ng salapi na mahahawakan. Sa pag-ibig, puwede nang pagtiyagaan ang isang Gemini o kaya’y isang Libra. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Kailanman’y hindi ka lubos na liligaya kung ikaw lagi ang nasusunod. Hayaang ang kasuyo ang magpasya. Sa pinansyal, ipaubaya sa iyong kasuyo ang diskarteng may kaugnayan sa pera at makikita mo kikita kayo ng malaking halaga. Mapalad ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Red at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Wag panghinaan ng loob! Kung lalakasn mo ang iyong loob, noon ka pa sana mayaman! Sa pag-ibig, wag magpaimpluwensiya sa negatibong kaisipan ng kasuyo. Sabihin mo sa kanya, ikaw ang dapat masunod at hindi siya. Mapalad ang 5, 9, 27, 36, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Panahon na upang magbagong buhay. Sa pag-ibig, palitan na ang kasuyong matagal mo nang kinayayamutan. Sa pinansyal, wag ng asahang magbabayad ang mga balasubas na mangungutang. Sa susunod wag ka na uling magpapautang. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Om.” Red at silver ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Wag magpatalo sa lungkot! Kung may tampuhan kayo ng minamahal, resolbahin agad bago tuluyang mawasak ang relasyon. Sa pinansyal, malapit na ang suweldo kaya sasaya ka na naman. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Panahon na upang pagbutihin ang sariling buhay. Mag-concentrate sa pag-iipon, iwasan gumasta ng gumasta ng walang kabuluhan. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyong Aries. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kuntha-Vai-Nava-Om.” Orange at black ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi makukuha sa puro na lang pakikipagkuwentuhan ang magandang kapalaran. Mabilis na aksyon ang kailangan. Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, ipadama sa kanya ang mainit na romansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ipsa-Scientia-Potesta-Om.” White at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Basta may ginagawa ka, at nagpapakasipag ang salapi at pag-unlad ay tuloy-tuloy ding bubuhos sa iyong buhay. Ganon din sa pag-ibig, kapag ikaw ay kinikilig na nagmamahal, tuloy-tuloy ding bubuhos sa iyong buhay ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 6, 15, 24, 29, 32, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Visnu-Purana-Om.” Red at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa araw na ito sa maling salita mapapa-away ka na naman. Sa pag-ibig at pinansyal, isipin mo munang mabuti ang anomang sasabihin sa kausap bago ka magsalita upang hindi ka mamali ng diskarte. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Green at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Marahil ay naguguluhan ka sa mga nangyayari! Magpakatatag dahil ‘yon ang dapat para malagpasan ang lahat ng mga pagsubok. Sa pinansyal, malapit ka ng magkapera ng malaking halaga. Sa pag-ibig, wag mag alala kaya nga sunod sa iyo ng sunod ang kasuyo mo, dahil mahal na mahal ka niya. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nirayana-Om.” Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Panahon na upang ituloy ang pagpupursige na yumaman, siguradong sa edad mong 50 pataas mararating mo rin yan. Sa pag-ibig, hindi dapat pakinggan ang negatibong suwesyon ng kasuyo. Mapalad ang 4, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Red at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung gusto mong magsimula ng bagong buhay, laging tumingin sa future. Darating ang araw makakaahon ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig malapit ng magkatoto sa iyo ang mga napapanood mo sa fairy tale: “….and the prince and the princess live happily ever after!” Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ng 2018 maging maingat sa pagpili ng kososyo at maging maingat din sa paglalagakan ng salapi may pagkakataong maloloko ka na namang muli. Sa pag-ibig, kapag hindi komontra sa isang proyekto na ginagawa mo sa ngayon ang iyong kasuyo, ito ang malinaw na indikasyong magtatagumpay ka. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vajur-Om-Veda.” Purple at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending