Sandino Martin kay Agot: Hindi ko siya binastos!  | Bandera

Sandino Martin kay Agot: Hindi ko siya binastos! 

Julie Bonifacio |January 29,2018
facebook
share this

Sandino Martin kay Agot: Hindi ko siya binastos! 

Julie Bonifacio - January 29, 2018 - 12:10 AM

LAGARE sa dalawang malalaking proyekto ang theater/film actor na si Sandino Martin. Sabay niyang gagawin ang bago niyang teleserye na Blood Sisters sa ABS-CBN at ang musical play na “Himala.”

Nakapag-shoot na siya for one day para sa Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich Gonzales. Habang mag-uumpisa naman ang pagpapalabas muli sa stage ng “Himala” sa Feb. 10.

Eto na nga po, first time ko na gagawin ‘to sa buhay ko. So, I’m taking a lot of multi-vitamins. I’m open po for hiring ng driver. Kung may kakilala po kayo,” sabay tawa ni Sandino sa presscon ng “Changing Partners” na idinirek ni Dan Villegas.

Kasabay ng dalawang malalaking projects ni Sandino ang pagpo-promote niya para sa mainstream theatrical release ng critically acclaimed musicale mula sa PETA na isinalin sa pelikula, ang “Changing Partners” sa Enero 31.

Umiikot ang kwento ng “Changing Partners” kina Alex at Cris na ipinagdiriwang ang una nilang anibersaryo bilang live-in couple. Bagaman mahal na mahal nila ang isa’t isa sa kabila ng 15 taong gulang na agwat ng kanilang edad, kakaharapin nila ang iba’t ibang pagsubok sa kanilang relasyon.

Si Sandino ang isa sa mga bidang karakter sa movie bilang si Cris at si Agot Isidro naman ang kanyang kapareha na si Alex. In real life, halos dalawang dekada rin ang age gap nina Agot at Sandino. At sa totoong buhay din, mas may edad din ang non-showbiz girlfriend ni Sandino.

Feeling privilege si Sandino na pumayag si Agot sa love scene nila sa “Changing Partners”, “Hindi kasi siya gumagawa ng love scene talaga, and nu’ng ginawa ko ‘yung love scene na ‘yun with Miss A, sinabi ko sa kanya may mga gagawin ako na baka ma-violate ka, sana hindi. And sabi niya, ‘Just do it.’ And I’m very lucky na pinagkatiwalaan niya ako. And, inalagaan ko rin naman. Hindi ko siya binastos.”

Nag-aaral pa lang sa UP Diliman ng Theater Arts si Sandino ay nagtatrabaho na siya at lumalabas na sa iba’t ibang play. Plus, kumakanta rin siya sa banda.

Gusto raw talaga niya na maging singer nu’ng bata siya. Pero natakot si Sandino. Naniniwala raw kasi siya na maraming mas magagaling kumanta kesa sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending