Opisyal panay selfie ang ginawa sa India

By Bella Cariaso January 28,2018
share this

Opisyal panay selfie ang ginawa sa India

By Bella Cariaso January 28,2018
share this

DA who ang isang lady official na walang ginawa sa India kung hindi mag-selfie?

Usap-usapan sa lahat ng sulok ng Malacañang ang opisyal na laging kasama sa mga biyahe ni Pangulong Duterte dahil ang inaatupag lamang ay mag-shopping at mag-selfie.

Bakit kaya tinotolerate ang opisyal na maglabas-pasok sa bansa tuwing may mga foreign trips ang Pangulo gayong wala namang maliwanag na trabahong ginagawa?

Wala naman kasing kongkretong papel ang opisyal bagamat ang kanyang ginagawa ngayon ay bumuntot sa isang Secretary na kanya ngayong dinidikitan dahil wala namang maliwanag na trabaho ang kanyang opisina.

Inalis na kasi sa lady official ang lahat ng trabaho na siyang dahilan noon kaya’t kasama siya sa mga biyahe.

Feeling may papel pa ang opisyal kayat kahit hindi na kailangan ang kanyang presensiya ay nakabuntot pa rin sa mga foreign trips.

Dapat ay salain na rin ng Office of the President ang mga sumasama sa biyahe ng Pangulo at wag nang payagan makasama ang mga nagsa-shopping at selfie lang sa mga biyahe.

Gusto n’yo ba ng clue? Ilang beses nang nang-away ang opisyal matapos mabatikos sa panggagamit ng kanyang posisyon.

At nito ngang huli, inalisan siya ng trabaho matapos masibak ang isang opisyal na kanyang pinagsisilbihan dahil na rin sa mga sablay niyang payo.

Ngunit dahil malakas ang kapit sa isa pang kontrobersiyal na opisyal, hindi masibak-sibak ang lady official kahit pa wala namang ginagawa.

At ngayon, panay ang dikit ni lady official sa isang bagong upong secretary para masabing may ginagawa pa rin siya.

Nabinyagan ang bagong upong kalihim matapos namang pumalpak dahil na rin sa lady official.

Siyempre nanindigan ang lady official na wala namang mali sa kanyang ginawa.

Gets n’yo na ba ang tinutukoy kong opisyal na nauna pang nakarating sa Pilipinas ang kanyang mga selfie mula sa India?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending