Erich, Lovi matindi ang paghuhubad sa bagong pelikula; lagot sa MTRCB | Bandera

Erich, Lovi matindi ang paghuhubad sa bagong pelikula; lagot sa MTRCB

Ambet Nabus |January 24,2018
facebook
share this

Erich, Lovi matindi ang paghuhubad sa bagong pelikula; lagot sa MTRCB

Ambet Nabus - January 24, 2018 - 12:01 AM


“VERY sexy, super salacious!” Ito ang deskripsyon ng mga kausap naming kalalakihan na naging bahagi ng produksyon ng pelikulang “The Significant Other.”

Sa totoo lang kapatid na Ervin, kulang na lang ay sabihin nilang gusto nilang maka-one night stand sina Erich Gonzales at Lovi Poe na “all out” sa mga maiinit nilang eksena sa movie. Kitang-kita nga raw ang pagpapatalbugan ng dalawang seksing aktres hindi lang sa pag-arte kundi pa na rin sa daring scenes nila with Tom Rodriguez.

“Mararamdaman mo yung effort nila to allure, seduce and titillate the audience. In fact, baka nga katayin iyong mga eksena nila once na dumaan na sa MTRCB.

But knowing direk Joel Lamangan’s style sa mga ganu’ng eksena, may justification at mas titingnan ninyo yung artistic merits ng movie,” sey ng isang source.

Well, we know Lovi as a very competent sexy-dramatic actress, an award-winning at that level lalo pa’t sanay na siya sa sistema ni direk Joel.

At kilala rin namin si Erich na hindi basta-basta nagpapatalbog o nagpapasapaw, lalo pa’t alam niyang meron din siyang ipapakita.

Nakita nga namin ang bagong magazine pictorial niya kung saan nagpasilip ng kanyang dibdib ang aktres.

Umani ito ng magagandang feedback mula sa netizens, lalo na sa mga guys na hindi sanay makita si Erich nang nakahubad at halos kita na ang dibdib.

We just could not wait to see kung ganno sila “ka-salacious” o “kasabaw” sa “The Significant Other” kapag ipinalabas na ito sa February.

q q q

Pero mas naintriga kami sa komento ng ilan sa mga kausap namin. E, kasi naman, tinatawag na nilang “Mang Tomas’ ang hunk actor na si Tom, na siya ngang tumuhog kina Erich at Lovi sa pelikula.

Noong una, akala namin ay dahil sa “sarsa” at “sarap” ng pamosong sauce na may ganu’ng brand, pero mas may malalim pa raw palang kahulugan yun sa mga “porn sites.” As in porn sites, ha!? Ha-hahaha!

Hanggang merong nagbulong sa amin na, “Hindi mo ba nabalitaan nitong nagdaang dekada si Mang Kanor?

Yung bida sa mga porn site or adult sites na feeling stud dahil sa naggagandahan at super sexy girls na nakakaeksena niya?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa mga ipinakita raw ni Tom sa “The Significant Other”, walang dudang siya na raw ang matatawag na certified “Mang Tomas” ng showbiz. Nakakaloka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending