Robin walang arteng sinunod ang utos ng direktor: Balls ko nakita! | Bandera

Robin walang arteng sinunod ang utos ng direktor: Balls ko nakita!

Reggee Bonoan |January 18,2018
facebook
share this

Robin walang arteng sinunod ang utos ng direktor: Balls ko nakita!

Reggee Bonoan - January 18, 2018 - 12:20 AM


HAGALPAKAN sa katatawa ang lahat ng dumalo sa presscon ng Sana Dalawa Ang Puso nu’ng ikuwento ni Robin Padilla kung ano ang ipinagawa sa kanya ni Direk Cathy Garcia-Molina sa pelikulang “Unexpectedly Yours” kasama si Sharon Cuneta.

“Aba’y pagbukas ng pelikula, bayag ko ang nakita!” sabi ng aktor.

Dagdag pa niya, “Sa edad kong ito, hindi na uso ang pag-iinarte. Totoo yon, kahit si Direk Cathy tanungin n’yo, hindi nagdalawang-salita ‘yon, nu’ng sinabi niyang, ‘tanggalin mo ‘yung shorts mo, alright. Wala nang ano ‘yon (tanong-tanong).’ Ang sa akin lang, basta ipaliwanag mo ba’t ko gagawin?”

Kaya nga kung sakaling gagawa siya ng art film kung saan kailangan niyang magpakita ng puwet ay papayag daw si Robin, “Bakit naman butt lang, puwede naman akong frontal? Ako, wala ako talagang (kaartehan) sa panahon ngayon, ano pa ba naman? Isipin mo 50 ka na pero pinag-iinteresan pang makita yung puwet mo,” natatawang sagot ni Robin.

Natanong din ang aktor kung may dapat pa bang ipagselos ang asawang si Mariel Rodriguez sa mga gagawin niyang paglalandi (termino ng aktor) kay Jodi Sta. Maria.

“Wala namang dapat ipag-alala ang asawa ko. Matanda na rin ako,” sambit ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending