Hamon ni Robin kay Aljur: Kapag pinakasalan niya ang anak ko, wala kaming isyu!!! | Bandera

Hamon ni Robin kay Aljur: Kapag pinakasalan niya ang anak ko, wala kaming isyu!!!

Ervin Santiago |January 16,2018
facebook
share this

Hamon ni Robin kay Aljur: Kapag pinakasalan niya ang anak ko, wala kaming isyu!!!

Ervin Santiago - January 16, 2018 - 12:10 AM


KASAL! Yan daw ang magic word para matanggap na nang buong-buo ni Robin Padilla si Aljur Abrenica para sa kanyang anak na si Kylie Padilla.

Sa nakaraang presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Sana Dalawa Ang Puso, diretsong sinabi ni Binoe na wala na silang magiging problema o isyu ni Ajur kung pakakasalan na nito si Kylie.

“Ako’y tatay, ang lahat ng tatay, gusto, ikasal ang kanilang anak. Eh, pag napakasalan niya ‘yung anak ko, di wala kaming issue,” pahayag ni Robin.

Hirit pa ng action superstar, “One plus one lang ‘yun. Kailangan ba niyang pag-isipan pa kung ano ang problema namin, di ba? ‘Yun lang ‘yun. Wala naman akong ano sa kanya.”

Tinanong din ng press si Binoe pagkatapos ng presscon ng Sana Dalawa Ang Puso kung kinausap na ba niya ng personal si Aljur tungkol sa kanyang request lalo pa’t lumalaki na rin ang kanyang apo kay Kylie na si Baby Alas?

“Magre-request ako? Hindi ako marunong mag-request,” ang matigas na tugon ng aktor. Dagdag pa nito, “Kung papayagan lang ako ng anak ko, hinatak ko na ‘yan (Aljur) hanggang simbahan.”

Hirit pang tanong sa kanya, alam ba niya na si Kylie raw mismo ang nasabing hindi pa ito handang magpakasal kay Aljur? “Ah, hindi ko alam. Sa kanila ‘yan. Ako kasi, number one akong simbolo ng freedom. So, kahit sa mga anak ko, hindi ako double standard. Sa ibang tao, nagtuturo ako ng freedom, sa mga anak ko, hindi?

“May kalayaan ang anak ko sa gusto niyang gawin. Ang sinasabi ko lang, kung gusto nilang makuha ‘yung suporta ko, eh sundin nila ako.

“Ngayon, kung ayaw naman nilang kunin ‘yung suporta ko, di huwag nila akong sundin. Huwag silang gumawa ng issue sa akin,” pahayag pa ni Robin.

Samantala, sundan sa Sana Dalawa Ang Puso ang kuwento nina Lisa at Mona (Jodi Sta. Maria), dalawang babaeng magkamukha at parehas na tinatakasan ang mga problema sa kani-kanilang buhay.

Kilalang masipag at matapang na boss si Lisa Laureano sa family business nila na Laureno Group of Companies. Magbabago ang ikot ng mundo niya dahil muli siyang ipagkakasundo ng kanyang amang si Juancho Laureano (Christopher de Leon) para ikasal sa anak ng kalaban nilang kumpanya si Martin Co (Richard Yap). Para tumakas sa kanyang kapalaran ay makikitira siya sa trabahador nilang si Leo Tabayoyong (Robin).

Sa kabilang banda, ang kamukha niyang si Mona na tagakolekta ng taya at taga-alaga ng manok sa sabungan ay problemado naman na iahon ang amang nadawit sa isang networking scam.

Ano kaya ang mangyayari kapag natagpo ang kanilang mga landas? Matulungan kaya nila ang isa’t isa sa kanilang mga problema?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y sa ilalim ng Star Creatives at mapapanood na ngayong January sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending