Hamon sa ex-GF ni JC: Maglabas ng ebidensya sa isyu ng panloloko | Bandera

Hamon sa ex-GF ni JC: Maglabas ng ebidensya sa isyu ng panloloko

Ambet Nabus |January 15,2018
facebook
share this

Hamon sa ex-GF ni JC: Maglabas ng ebidensya sa isyu ng panloloko

Ambet Nabus - January 15, 2018 - 12:10 AM

 

SINO nga kaya ang mga babaeng (plural daw kasi?) diumano’y naging parte ng “panloloko” ni JC Santos sa kanyang karelasyon na kaklase at long time GF niya sa UP?

Bigla ngang naglabasan ang mga tsika ng pagiging cheater umano ni JC dahil na-involve ito sa ilang “anonymous women” ayon mismo sa kanyang ex-GF.

Noong nag-uumpisa ang aktor sa showbiz, mistula itong maamong tupa at very loyal sa kanyang girlfriend, i-pinagmamalaki pa nga niya noon na ito ang nakapagpabago sa kanya noon.

But things are different now that he has tasted popularity, worked with more people and definitely women na marahil ay hindi niya naiwasan thus, the cheating issue, that caused the break-up. Ang siste lang kasi, laging nata-timing ang mga ganitong usapan kapag merong pino-promote na movie o project ang isang artista.

And yes, according to our sources from the said university, luma nang u-sapin yun dahil months before Christmas pa umano naganap ang break-up at nagkaroon pa nga raw ng effort ng “balikan” hanggang sa umabot sa promo ng latest movie ni JC na “Mr. & Mrs. Cruz”, kaya sige, gamitin muna. Ha-hahahaha!

Wala naman daw kasing mapag-usapang iba sa aktor na kung hindi napapalitan sa ibang projects nang dahil daw sa sobrang pagiging demanding eh, talagang “kulang daw” sa karisma bilang leading man?
Ouch naman. But isn’t he a good actor? Ibigay naman ninyo iyan sa kanya, noh!

q q q

And speaking of “Mr. & Mrs. Cruz”, in the spirit of fairness, impress na impress kami sa cinematography ng movie.

Sa trailer na napanood namin, bongga ang mga shot ni direk Sigrid Andrea Bernardo (director ng Kita Kita). Mukha siyang very expensive at maeengganyo ka tuloy na galugarin ang Palawan at iba pang locations na ginamit sa movie.

For sure, just like “Kita Kita” na na-capture ang ganda ng isang lugar sa Japan, pag-uusapan din ang “Mr. & Mrs. Cruz” na sinusundan ang same premise ng dalawang bida and their exploits on love and commitment.

Sure na sure rin kaming may magandang chemistry sina Ryza Cenon at JC Santos sa movie.

Napapanood namin si Ryza sa mga serye niya sa GMA at nagagalingan kami sa kanya, lalo na sa mga eksenang nakikipag-agawan at nabibigo dahil sa pag-ibig. In fact, when we talked to her, we told her kung paanong feel na feel namin ang pakikipag-eklayan niya sa mga kaeksena niya sa Ika-6 Na Utos.

Nakakainis siya, pero mamahalin mo rin ang kanyang karakter as Georgia. Ha-hahahaha!
This is Ryza’s biggest movie break at umaasa rin siyang kahit paano’y maitawid niya ang kanyang role sa wide screen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Viva Films at IdeaFirst Company (nina Perci Intalan at Jun Lana) ang gumawa ng pelikula na ipapalabas na ngayong Jan. 24.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending