JC Santos ‘kinilig’ kay Piolo Pascual: ‘He’s a different guy! Grabe!’
GRABE! As in grabe ang naramdamang “kilig” ng aktor na si JC Santos sa Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual nang finally ay magkasama na sila sa isang pelikula.
Knows n’yo ba na matagal nang pangarap ni JC na makasama sa isang project si Papa P at nabigyang katuparan nga ito sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Mallari”?
Inamin mismo ng aktor na kapag si Piolo na raw ang kaeksena niya sa naturang pelikula ay maraming pagkakataon na nakakalimutan niya ang kanyang mga dialogue.
Yes! Pinatunayan ni JC na hindi lang mga female celebrities ang natutulala at napapanganga kapag kaharap na nila si Piolo.
Baka Bet Mo: Piolo Pascual tinawag na ‘Most Promising Old Actor’, umaming naapektuhan ang katawan, mental health dahil sa ‘Ibarra’
“He’s the epitome of a walking disciplined guy. Wala akong masabi. Working with him, sa na-experience ko, ako from the theater, I know my lines well, but whenever I’m in front of him, I miss a lot of things,” ang rebelasyon ni JC sa ginanap na grand mediacon ng “Mallari” last Friday sa SM MOA.
View this post on Instagram
“He’s a different guy. I mean, lahat ibinibigay niya sa ‘yo. He’s so generous and it works so well whatever he does. Kahit anong gawin niya sa screen. I have so much respect for him as an artist,” ang tila kinikilig pang chika ni JC.
Baka Bet Mo: Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: ‘Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman…joke!’
Patuloy pa ng aktor, “It’s such a privilege to be working with him. And sana suportahan n’yo ang Mallari sa MMFF dahil talagang magugulat kayo sa mga ginawa ni Piolo rito.”
Kung matatandaan, nasabi ni JC sa isang panayam na balak na sana niyang iwan ang showbiz pero hindi pa raw niya ito kayang panindigan.
Sa dami raw ng magagandang projects na inaalok sa kanya ngayon ay hindi niya magawang tanggihan kaya sa ngayon tuloy-tuloy lang siya sa pagtatrabaho at pagmamahal at pagpapasalamat sa mundo ng showbiz.
Kasama rin sa “Mallari” sina Janella Salvador, Gloria Diaz, Elisse Joson, Mylene Dizon at marami pang iba mula sa direksyon ni Derrick Cabrido, produced by Mentorque Productions and distributed by Warner Bros. Pictures.
Showing na ito sa December 25 bilang bahagi ng MMFF 2023.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.