Nasipang gov’t exec, balik-pwesto; mga kaaway niyabangan

By Den Macaranas January 12,2018
share this

Nasipang gov’t exec, balik-pwesto; mga kaaway niyabangan

By Den Macaranas January 12,2018
share this

BAGYO ang dating ng isang bagong appoint na government official sa kanyang bagong tanggapan.

Napansin kaagad ng mga beterano sa loob ng kagawaran na may “something” kay Sir lalo’t madalas niyang sabihin na sanggang-dikit sila ni Pangulong Duterte.

Ang akala ni Sir ay maraming kakagat sa kanyang mga parinig pero imbes na makapag-paimpress ay mas marami ang nakapansin sa kanyang kayabangan.

Ito na ang ikalawang pwesto sa administrasyon ng ating bida makaraan siyang sipain sa kanyang dating posisyon na marami ang nagsasabi na hindi naman bagay sa kanya.

Kung tutuusin ay hindi talaga swak sa kanyang karakas ang dati niyang pwesto sa gobyerno dahil kapos ang kanyang educational background para maging isang chief executive officer ng isang government owned and controlled corporation.

Sadya lamang na malakas sa administrasyon ang kinaaanibang grupo ni Sir kaya patuloy siyang nakaka-pwesto sa pamahalaan ayon pa sa ating Cricket sa Malacanang.

Kung tutuusin ay hindi rin naman siya swak SA bago niyang pwesto pero kahit paano ay mas akma Raw ito sa kanyang personalidad lalo’t ang pakiramdam nIya sa kanyang sarili ay isa siyang action star.

Isang araw makaraang lagdaan ng pangulo ang kanyang appointment sa bagong pwesto ay pinasyalan pa ni Sir ang ilan sa kanyang mga dating tauhan mula sa nauna niyang pwesto sa pamahalaan.

Obserbasyon ng ilan, ginawa ito ni Sir upang ipakita sa bagong pinuno ng kanyang dating hawak na tanggapan na kahit naalis siya sa pwesto ay kaya niyang bumalik sa pamamagitan ng ibang posisyon sa gobyerno.

Pagpapatunay umano ito ng kanyang madalas na ipagyabang na malakas siya sa kasalukuyang pamahalaan.

Kahit paano ay swerte pa rin si Sir dahil kung nanatili siya bilang pinuno ng isang GOCC malamang ay kabilang siya sa mga nasipa sa pwesto dahil sa dami ng kanyang foreign trips sa nakaraang mga buwan.

Ang bida sa ating kwento ngayong umaga na kilala rin sa pagiging adik sa selfie ay si Mr. M….as in Maarte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending