Natatakot para sa ina na OFW sa Saudi

By Liza Soriano December 22,2017
share this

Natatakot para sa ina na OFW sa Saudi

By Liza Soriano December 22,2017
share this

MAGANDANG araw po sa Akyon Line. Ako po si Jemuel de Lara, 19 years. pero nagtatrabaho na po bilang isang messenger sa Makati. Ang mother ko po ay isang Domestic helper sa Kingdom of Saudi Arabia. Mag 2 years na po siya next year.

Ang sabi niya swerte daw niya dahil mabait ang amo niyang babae bagaman pag dumarating ang amo niyang lalaki ay hindi naman sila pinapalabas ng kwarto sa hindi malamang kadahilanan. Pero dahil natatakot pa rin ako sa sitwasyon ng mother ko ang sabi ko ay umuwi na lamang siya pero sabi niya mabait ang amo ko at gusto kung makatapos ng pag aaral ang 2 mo pa g kapatid. Gusto ko po sana na mag negsoyo na lamang siyang dito kahit magtayo kami ng carinderia o maliit na restaurang . Ano po dapat naming gawin. Sana ay matulungan ninyo kami.

Salamat po
Lemuel de Lara

REPLY: Sa ngayon ay Mas pinalawig ng pamahalaan ang ayuda sa repatriation at reintegration sa higit kumulang na 1.2 milyong overseas Filipino workers, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Isa sa programa at serbisyo na ibinibigay ng Overseas Workers Welfare Association or OWWA ay Reintegration Program.

Layunin nito na tulungan ang mga returning overseas Filipino workers at kanilang pamilya sa pamamagitan ng livelihood opportunities income-generating

 

MAgsadya lamang po sa OWWA office para mag aplay sa ilalim ng reintegration program

Sa kasalukuyan umaabot na 1,170,514 OFW ang nakatanggap ng ayuda para sa welfare at protection, kabilang na ang serbisyo para sa reintegration at repatriation mula sa OWWA, mga regional offices ng DOLE, at mga attached agency.

Ang pinalakas na reintegration program ay nakapagbigay tulong sa 54,470 OFW returnees at kanilang pamilya, kung saan 28,256 rito ay sumailalim sa skills training, habang ang 26,214 OFW ay nabigyan ng ayudang pangkabuhayan.

Nasa 9,512 repatriated OFWs naman ang nabigyan ng karagdagang tulong pinansyal na P6,000, at 13,245 na mga OFW ang inayudahan ng food at hygiene kits.

Kasunod ng pagtatapos ng 90-araw na amnesty program ng Kingdom of Saudi Arabia para sa mga undocumented at stranded foreign nationals, nakapagtala ang OWWA ng 15,839 Filipino migrant workers na kumuha ng amnestiya, at 10,011 rito ang napauwi sa Pilipinas.

Sa ilalim naman ng Operation Bring-Them-Home ng OWWA para sa mga OFW sa Middle East, mayroong P514,412,350.21 milyong piso ang nailabas upang makapagbigay tulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng food at hygiene kits, legal counseling at stress debriefing, medical at psycho-social services, at training assistance sa mga apektadong OFW.

Nakapagbigay rin ang OWWA ng post-repatriation services sa 14,165 OFWs, at 4,343 rito ang nakatanggap ng welfare services, kabilang ang medical, psychosocial counseling, stress debriefing, transport, at accommodation, habang ang 1,630 naman ay inayudahan para sa employment facilitation o training services, at 2,625 sa kanila ay nabigyan ng tulong pangkabuhayan.

Nabigyan rin ng legal assistance ang may 4,829 OFWs habang ang 354 sa kanila ay inayudahan ng serbisyo sa reintegration sa pamamagitan ng mga small and medium enterprise establishment sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI), habang ang 384 ay nabigyan ng educational assistance sa tulong ng CHED, DepEd, at DBM.

Deputy Administrator Josefino Torres
OWWA
Reply Reply to All Forward More

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending