Maine imposibleng lumipat sa ABS-CBN, siguradong babalik sa 'EB' | Bandera

Maine imposibleng lumipat sa ABS-CBN, siguradong babalik sa ‘EB’

Cristy Fermin |December 13,2017
facebook
share this

Maine imposibleng lumipat sa ABS-CBN, siguradong babalik sa ‘EB’

Cristy Fermin - December 13, 2017 - 12:05 AM

MAINE MENDOZA

ISANG anak-anakan naming nagtatrabaho nang ilang dekada na sa ABS-CBN ang tinanong namin kung posible bang mangyari ang kuwentong kakabilang-bakod sa kanila si Maine Mendoza?

Napakalakas ng iling nito, halos humiwalay na ang kanyang leeg sa kanyang ulo, imposible raw ang kaganapan ng kuwentong ‘yun.

Sabi ng aming source, “Nu’ng lumipat sa ABS-CBN si Angel Locsin, hindi biglaan ‘yun, pinlano ‘yun, pinalabas pang mag-aaral muna sa London si Angel.

“Pero habang kunwari, e, busy siya sa pag-aaral sa ibang bansa, pinaplano na rin dito ang paglipat niya sa Dos mula sa GMA 7. Mahabang process muna ang pinagdaanan nu’n!

“E, ‘yung kay Maine, kahit pabulong lang, e, hindi naman pinag-uusapan ‘yun. Wala, ni walang pahimakas na lilipat siya. Nagagamit nga ang network sa kung anu-anong lumalabas na hindi naman totoo,” siguradong sagot ng aming source.

Nagbabakasyon ngayon sa Amerika si Maine na kasama ang kanyang pamilya, pero sa kanilang pagbabalik ay siguradong magiging aktibo na naman siya sa Eat Bulaga na nagpanganak sa kanyang career, kaya tantanan na ang pagpapaikot ng kuwento na lilipat siya sa ABS-CBN.

Hindi ganu’n kadali ‘yun, hindi literal na bakod lang ang lulundagan ni Maine Mendoza, kaya tanggalin na ang ilusyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending