Sanya gustong papakin; Rocco binigyan ng warning | Bandera

Sanya gustong papakin; Rocco binigyan ng warning

Ervin Santiago |December 12,2017
facebook
share this

Sanya gustong papakin; Rocco binigyan ng warning

Ervin Santiago - December 12, 2017 - 12:50 AM

SANYA LOPEZ

GRABE pala ang pagpapantasya at paglalaway ng mga kalalakihan sa kaseksihan ng Kapuso actress at lead star ng Haplos na si Sanya Lopez, ha!

Marami kasi kaming nababasang komento sa social media tungkol sa ka-loveteam ni Rocco Nacino na karamihan ay mula sa mga male netizen.

Hindi pa rin daw sila maka-get over sa pagrampa ni Sanya sa isang underwear fashion event kung saan ibinandera niya ang kanyang halos hubad nang katawan. Mula raw noon ay marami nang nagkainteres sa dalaga.

Sey nga ng isang netizen, “Sanyaaaa! I love you! Want to have coffee with me? Sige na, mas gwapo at mas mabait ako kesa kay Rocco! Pagbigyan mo na ko!”

May isa namang nag-react sa isang sinulat namin about Sanya ng, “The best si Sanya Lopez! Pinay na Pinay ang kulay. Ganda ng wankata! Petmalu Lodi! Kahit isang gabi lang makasama kita. Dinner lang, pero hindi ko maipa promise na walang malisya! Hehehehe! Wag mo kong bugbugin Rocco ha!”

Ganyan sila kabaliw ngayon kay Sanya! Kaya kay Rocco, mag-ingat ka baka magising ka na lang isang araw may nakakuha na ng puso ni Sanya. Nasa huli lagi ang pagsisisi.

Anyway, tuloy-tuloy pa rin ang pamamayagpag ng Afternoon Prime serye nina Rocco at Sanya sa GMA na Haplos. Waging-wagi pa rin ito sa ratings game kaya naman mas lalo pang ginaganahan ngayon ang buong cast at production ng fantasy-drama-suspense series.

Patuloy ang tagisan ng kapangyarihan sa pagitan ng pwersa na kasamaan laban sa kabutihan sa muling paghaharap nina Angela (Sanya) at Lucille (Thea Tolentino).

Anu-ano pa ang mga kademonyohang gagawin ni Lucille laban sa kanyang mga taong sagabal sa kanyang mga plano at paano ito mapipigilan ng kapangyarihan ni Angela.

Patuloy na subaybayan ang mas umiinit pang mga tagpo sa Haplos sa GMA Afternoon Prime. Kasama pa rin dito sina Pancho Magno, Celia Rodriguez, Francine Prieto, Patricia Javier at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending