Geoff hands-on daddy; bumalik na sa GMA 7 | Bandera

Geoff hands-on daddy; bumalik na sa GMA 7

Jun Nardo |December 08,2017
facebook
share this

Geoff hands-on daddy; bumalik na sa GMA 7

Jun Nardo - December 08, 2017 - 12:45 AM

GEOFF EIGENMANN AT MAYA

BALIK-Kapuso si Geoff Eigenmann ayon sa balita ng ilang taga-GMA sa handog nilang Christmas party sa entertainment press last Wednesday.

Patalun-talon ng network si Geoff pero welcome pa rin ang bagong tatay sa Kapuso Network kahit galing siya sa kalaban nitong istasyon. Balita namin, hands on daddy din ang aktor sa kanyang panganay na anak sa singer na si Maya.

May bagong seryeng gagawin si Geoff sa GMA kaya yan ang inyong abangan. Ang balita namin makakasama niya rito si Glaiza de Castro.

Marami na namang napaligaya ang GMA sa Paskong Kapuso 2017 para sa press.

Bukod kasi sa halos winner na ang lahat ng dalawang cash prize, walang hirap sa pagbibitbit ng mga ordinaryong appliances ang lahat.

Nagdatingan din ang ilang Kapuso stars pero ang pinagkaguluhan ng marami ay ang dalawang Korean actors na kasama sa cast ng My Korean Jagiya, sina Alexander Lee at Andy Ryu.

Oppa at Jagiya ang naging tema ng GMA Christmas party kaya patalbugan ang ilang members ng media sa kanilang Korean outfit, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending