Magic ng Mega-Robin loveteam may powers pa rin; muling pinakilig ang fans matapos ang 16 taon | Bandera

Magic ng Mega-Robin loveteam may powers pa rin; muling pinakilig ang fans matapos ang 16 taon

Reggee Bonoan - December 01, 2017 - 12:05 AM

ROBIN PADILLA AT SHARON CUNETA

NAPANOOD na namin ang “Unexpectedly Yours” nitong Miyerkules (last full show) sa Trinoma Cinema 6 at kahit na 10:25 p.m. na yun ay ilang upuan lang ang bakante.

Habang tumatakbo ang pelikula ay wala kaming narinig sa loob ng sinehan kundi hagalpakan, may mga sumisinghot (sa mga nakakaiyak na eksena) at marami rin ang kinikilig.

Oo, bossing Ervin, nakakatawa, nakakaiyak at higit sa lahat, nakakakilig pa rin sina Robin Padilla at Sharon Cuneta pagkalipas ng 16 taon. Malaki man ang nabago sa mga itsura nila nandoon pa rin ang magic na unang nagustuhan ng mga tao sa “Maging Sino Ka Man” at “Pagdating Ng Panahon”.

Kaya naman pala sobrang hanga at bilib ng ShaBin loveteam sa kanilang direktor na si Cathy Garcia-Molina, sa maiksing panahon kasi na ibinigay sa kanya para i-shoot ang pelikula (kung hindi kami nagkakamali ay Nob. 5 ito sinimulan) ay natapos pa nila ito sa oras.

Napakilig at napatawa talaga ni direk Cathy ang mga manonood at higit sa lahat, hindi niya binigo ang fans na matagal na nag-abang sa balik-tambalang Robin at Sharon.

At siyempre, hindi rin naman magagawang mapaganda lahat ito ng direktora kung hindi rin magagaling lahat ang mga artista niya, kasali na riyan sina Joshua Garcia at Julia Barretto na parehong mahusay bilang anak at pamangkin ng dalawang bida.

Maski supporting role sina John Estrada at Pilar Pilapil ay talagang hindi rin sila nagpakabog sa ShaBin. Isama pa sina Yayo Aguila, Marina Benipayo, Toby Alejar na malaki rin ang naging parte sa kuwento ng “Unexpectedly Yours.”

Kaya hindi nakapagtataka kung kumabig na ng P14 million ang pelikula sa unang araw pa lang.

At heto pa bossing Ervin, ABCDE crowd ang nakasabay naming manood na karamihan din ay mga millennials na unang-una pang humihiyaw kapag nagpapa-cute na si Robin kay Sharon.

At tama nga ang sabi ni Robin sa nakaraang presscon ng pelikula nila, na sa lahat ng mga naging leading man ni Megastar sa pelikula ay siya lang ang makakagawa ng karakter ni Cocoy.

At dahil back-to-back ang hit movies ni direk Cathy na “Seven Sundays” at itong “Unexpectedly Yours” matuloy pa kaya ang balak niyang pagre-retire nang maaga? Sabi ni direk Cathy, gusto kasi niyang makapiling ang kanyang mga anak habang lumalaki ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending