Reporter natulala, naloka sa pamasko ng dating child actor | Bandera

Reporter natulala, naloka sa pamasko ng dating child actor

Ronnie Carrasco III |November 30,2017
facebook
share this

Reporter natulala, naloka sa pamasko ng dating child actor

Ronnie Carrasco III - November 30, 2017 - 12:20 AM

LUBUS-LUBUSIN na natin ang blind item. At dahil ilang tulog na lang ay merry Christmas na, allow us to share merry tales of frugality ng ilang celebrities.

Ang aktres na ito’y nakakagulat maghandog ng maagang Pasko sa kanyang fans, and those are not cheap stuff but pricey ones na hindi lahat ng tao can afford to pamper themselves with.

Nakakagulat dahil years ago—consistently, that is—nakasanayan na niyang magbigay ng mga ineendorso niyang produkto.

With the most number of commercial endorsements, namimintog ang mga sisidlan ng mga produktong ‘yon except for one Christmas—kung anong laki ng bag ay siya namang dadalawang piraso lang ang

nilalaman nu’n, kasya sa loob ang pinagbigyan.

Kaaliw rin ang isang dating child actor na tumawag sa isang reporter para pik-apin ang ibibigay niya sa mismong tirahan niya.
Excited ang reporter, mere mention pa lang kasi ng “pick up” ay nagpantasya na siyang isang home appliance ang aguinaldo ng aktor.

Taxi lang ang katapat ng pamimik-ap ng inakala niyang malaking gamit pambahay, magbibigay na lang daw siya ng tip sa driver dahil mag-e-effort itong itali ‘yon sa trunk ng sasakyan.

Pero parang dinaluhong ng malaking alon ang itinayo niyang kastilyong buhangin nang dumating na siya sa unit ng aktor.

Nasa kahon nga ang regalong bubuhatin niya, may kalakip na ngiti mula sa aktor na proud na proud sa kanyang aguinaldong kulang na lang ay tanawan ng malaking utang na loob ng reporter.

Mga naka-boteng toyo pala ‘yon, pero long-neck.

“Saucy”!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending