Coco marami pang pasabog sa Ang Probinsyano hanggang 2018 | Bandera

Coco marami pang pasabog sa Ang Probinsyano hanggang 2018

Reggee Bonoan |November 27,2017
facebook
share this

Coco marami pang pasabog sa Ang Probinsyano hanggang 2018

Reggee Bonoan - November 27, 2017 - 12:25 AM

 

DAHIL  naghangad sa malaking pabuyang P10 million ang mag-inang Irma Adlawan at Angeline Quinto, problema lang ang idinulot nito sa kanilang pamilya.

Yan ang huling eksenang napanood namin sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Dahil sa pagtuturo sa mga miyembro ng Pulang Araw sa pangunguna nina Lito Lapid bilang si Pinuno ay pinasok ng mga pulis pati ang kanilang bahay sa isinagawang sona pero nakatakas ang mga rebelde kasama na si Cardo Dalisay (Coco Martin).

Ang tatay at kuya ni Regine (Angeline) na ginagampanan nina Rico J. Puno at Janno Gibbs, ang dinampot dahil namukhaan sila ng mga pulis bilang mga mandurukot.

Bukod dito ay galit na galit ang mga kapitbahay kina Regine sa ginawa nilang pagsusumbong dahil nadamay ang kanilang mga padre de pamilya na matagal nang nananahimik at tumigil na sa gawaing masama.

Kaya problemado ngayon si Regine kung saan kukuha ng perang pampiyansa sa kanyang tatay at kuya.

Samantala, hindi pa rin ligtas ang grupo nina Pinuno (Lito) at Cardo dahil ang nilipatan nilang bahay na akala’y kaibigan ay isinuplong din sila kaya nagkaroon ng barilan. Nakitang tumatakas si Cardo pero nahuli rin siya.

Nananatili pa ring Hari ng Primetime si Coco dahil simula nu’ng umere ang FPJ’s Ang Probinsyano ay hindi pa ito napapatumba ng mga nakalabang programa. At marami pang dapat abangan ang viewers hanggang 2018.

Muling nakamit ng FPJAP ang rating na 40.8% vs 20% ng Super Ma’am sa national at 44.9% vs 19.2% sa Super sa Rural.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending