McLisse pakikiligin ang mga fans sa album launch | Bandera

McLisse pakikiligin ang mga fans sa album launch

|November 25,2017
facebook
share this

McLisse pakikiligin ang mga fans sa album launch

- November 25, 2017 - 12:01 AM

MULA sa telebisyon, dadalhin naman nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang kilig sa sariling musika sa kanilang paglulunsad ng “McLisse” album mula sa Star Pop sa inaabangang grand album launch na magaganap sa SM City North EDSA Skydome ngayong Linggo, 5 p.m..

Sina Elisse at McCoy na nga ang pinakabagong artists ng Star Pop, ang bagong sublabel ng Star Music para sa mga kabataan, at sila ay magsasama para haranahin ang mga manonood ng kanilang mga nakakalikig na awitin mula sa bagong album.

Kasunod ito ng matagumpay na release ng kanilang bersyon ng kantang “If We Fall In Love,” na isinulat ni RJ Jimenez at kanilang inilabas noong Hunyo. Ngayon kabilang na ang nasabing single sa kanilang pinakainaabangang album.

Bahagi rin nito ang bersyon nila ng “Opposites Attract” ni Jungee Marcelo, “Chinito” ni Jed Dumawal, “Para Lang Sa’yo” ni Jonathan Manalo, at “Yakap” ni George Canseco. Si Rox Santos ang nagsisilbing over-all album producer.

Abangan ang mga bida ng The Good Son na sina Elisse at McCoy sa grand album launch nila ngayong Linggo sa SM Skydome. Mabibili na ang “McLisse” album sa nasabing show o pwede ring i-download sa digital stores worldwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending