Rachel Peters na-bad trip; evening gown na gagamitin sa Miss U finals night nag-viral

By Ervin Santiago November 24,2017
share this

Rachel Peters na-bad trip; evening gown na gagamitin sa Miss U finals night nag-viral

By Ervin Santiago November 24,2017
share this

RACHEL PETERS

HALATANG na-bad trip si Bb. Pilipinas-Universe Rachel Peters sa taong nag-upload ng evening gown na plano sana niyang isuot sa finals night ng Miss Universe 2017 sa darating na Nov. 27.

Kumalat kasi sa social media ang litrato ng gold gown na dinisenyo ni Val Taguba na siyang isusuot sana ni Rachel sa grand coronation night na gaganapin sa Las Vegas. Dahil dito, nagpahayag ng kanyang saloobin ang Pinay beauty queen sa taong nagpakalat nito sa social media.

Sa Instagram account ng isang @titasofpageantry naka-post ang nasabing gown na may caption na: “Tita Lavinia: Will we see this golden caped beauty at the MU finals? Stay tuned Eme eme lang mungtanga kase sana tumalab pa tong scheme na to. Kung May seatmates kayo di gets tong post na to paki tulungan nlang. Imbyerns mag explain.

“Update: Mukang may bisa to. Anuvaaaaaa. Admin friends lam nyo na. Pa pick up sticks na to ng mga nasa kabilang ibayo. Need natin mag appear disappear one half one fourth yung truelaloo na pic. Kaya patungan nyo nlang nito. Again ha, give na give kayo AWARD!”

Sa kanya namang Instagram Story, nagbigay ng mensahe si Rachel ngunit hindi niya tinukoy kung para kanino ito, “To whoever leaked pictures of my evening gown, thank you for teaching me a lesson about being more careful who you trust.

“Not sure what your intentions were but no matter what, you’re not dragging me down. At the end of the day, it’s not about the dress you wear, how you walk or even the elements of surprise. What’s important is that you are kind and true to yourself… that’s when a girl truly shines!”

Hindi naman binanggit ng dalaga kung ang nag-viral na evening gown nga ang gagamitin niya sa finals night ng Miss Universe 2017. Nauna rito, nag-viral din ang “infinity walk” ng dalaga nang rumampa siya sa Miss U preliminaries suot ang kanyang evening gown na gawa rin ng fashion designer na si Val Taguba.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending