One month notice sa resignation

By Liza Soriano November 24,2017
share this

One month notice sa resignation

By Liza Soriano November 24,2017
share this

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Matagal na po akong nagbabasa ng inyong pahayagan.

Sabi nga suki po ako ng Inquirer Bandera . may tanong lang po ako para sa DOLE. Ang anak ko po isang accounting staff sa isang company sa Makati.

Isang araw ay nag confide sa akin ang anak ko na gusto niya na raw mag resign sa kanyang trabaho dahil masyado siyang disappointed sa pamamalakad ng kanyang boss.

Ang gusto niya ay mag file ng irrevocale resignation para agad agad ay makaalis na sa pinapasukang trabaho.

Tanong ko lang po kung pwede siyang umalis kaagad sa trabaho niya para makahanap ng ibang trabaho o malilipatan o kailangan pa na maghintay ng isang buwan bago umalis sa kanyang trabaho dahil yun daw po ang sabi ng kanilang Human Resource (HR) para maiwasan ang anumang violation .

Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan.

Emily Arciaga
Brgy Putatan , Muntinlupa City

 

REPLY: Nais ko po malaman niyo na tama po ang inyong HR na kailangan mag render po kayo ng 1 month.

Nakasaad po iyan sa ating batas na mapa ito ay resignation or termination kailangan mag render ang isan impleyado ng 1 month upang siya ay makapag turn over ng kaniyang mga accountability at liabilities kong meron man.

Jaime Tabayag
DOLE Center

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending